23 Agosto 2015, 6:14p.m. – NAITABLA ng UST Lady
Booters ang kanilang laban kontra De La Salle University Lady Archers,
1-1, sa Philippine Football Federation Women’s Invitational Cup sa Rizal
Memorial Stadium, ika-23 ng Agosto.
Naipasok ni Lady
Booter Charisa Lemoran ang game-tying goal sa ika-91 na minuto
mula sa assist ni Hazel Lustan. Tangan ngayon ng UST ang 1-1-0 win-draw-loss na
kartada.
Maagang umiskor ang
Lady Archers sa pamamagitan ng goal ni Nicole Andaya.
“Ang nangyayari more
on crowded spaces kami so hindi namin nako-convert into goals.
So ang gagawin namin next time, kailangan mag-widen at
mag-communicate para ma-convert,” ani acting head coach
Geraldine Cabrera.
Nagwagi ang UST sa kanilang unang laban kontra
Far Eastern University, 1-0, noong Biyernes. R. A. B. Ritumalta