UST Junior Tigresses wagi sa UP Junior Fighting Maroons

0
169

29
Agosto 2015, 5:35p.m.
PINAYUKO ng UST Junior Tigresses ang University of the
Philippines Junior Fighting Maroons, 25-15, 23-25, 25-7, 25-11, sa UAAP Season
78 girls’ volleyball tournament na ginanap sa Adamson University Gymnasium,
ika-29 ng Agosto.

Mabilisang dinispatsa
ng UST ang Junior Lady Maroons sa ikatlo at ika-apat na set matapos maitabla ng
UP ang laro sa ikalawang set. Hindi nakuha ng Junior Tigresses ang 2-0 na
kalamangan sa ikalawang set matapos ang malalakas na atake ng kabilang
koponan.

Maganda ang panimula
ng kampaniya ng Junior Tigresses sa pangunguna ni team captain Eya
Laure na nakapag-ambag ng 11 puntos.

“Siguro, andoon
pa ‘yung hangover sa pagkatalo [last season] kaya
medyo mababa ‘yung laro ngayon,” ani UST Junior Tigresses head
coach
 Emilio Reyes.

Ayon sa kaniya,
kailangan pang paigtingin ng koponan ang kanilang receive at services.

Susubukang ipagpatuloy
ng UST Junior Tigresses ang kanilang panalo kontra Adamson University sa
ika-anim ng Setyembre, Linggo, ganap na 11:00 ng umaga. C. A.
Casingcasing

LEAVE A REPLY