(Photo by Jazmin Tabuena/The Varsitarian)

Nakatakdang lisanin ni CJ Cansino ang UST Growling Tigers kung saan sya tumayong team captain at itinuring na isa sa mga haligi ng koponan.

Kinumpirma ito sa Varsitarian ng isa sa mga teammates ni Cansino, pero ‘di nito sinabi ang dahilan.

Napag-alaman din ng Varsitarian na umalis si Cansino sa ilang group chat nito sa UST ilang oras bago umugong ang balita na mangingibang-bakod na sya.

Ayon sa ulat ng Tiebreaker Times, “mutual” ang naging desisyon ni Cansino at ng UST na maghiwalay ng landas.

Hiningi ng Varsitarian ang panig ni Cansino at ni head coach Aldin Ayo pero kapwa di sila tumugon.

Itinuring na super rookie si Cansino, na produkto ng high school basketball program ng UST. Sa unang taon nya bilang Growling Tiger, nagtala sya ng 12.8 ppg, 10.3 rpg, at 3.6 apg.

Bumaba ang averages nya sa 6.1 ppg, 4.3 rpg, at 1.6 apg sa kaniyang ikalawang season, dahil na rin sa ACL injury na kanyang tinamo noong nakaraang taon.

LEAVE A REPLY