NAGLUNSAD ng imbestigasyon ang UST sa ginawa diumanong training ng Growling Tigers sa Sorsogon sa kalagitnaan ng pandemya at nangakong di palalampasin kung nagkaroon ng paglabag sa mga patakaran ng gobyerno. 

We wish to assure you that the university does not tolerate any form of violation of government regulation, and it responds promptly by taking the appropriate action,” ayon sa isang pahayag nitong Linggo.

While we adhere to the belief that physical activity can have a profoundly positive impact on the students’ physical and mental health, we believe that the undertaking should be done in compliance with the guidelines issued by the government.

Nauna nang nagpulong nitong Sabado ang mga miyembro ng Joint Administrative Order (JAO) Group, opisyal ng UAAP, Games and Amusement Board (GAB), at Department of Health (DOH) tungkol sa napabalitaang “training bubble” ng Tigers sa Sorsogon, ang probinsya ni Coach Aldin Ayo.

Kadikit ng balita ang sorpresang pagtanggal kay team captain CJ Cansino sa koponan na diumano’y may kaugnayan sa naganap na training. Naging mabilis ang paglipat sa UP Fighting Maroons ni Cansino, na niligawan din ng iba’t ibang koponan sa UAAP at NCAA matapos umugong ang balitang wala na sya sa UST.

Ayon kay UAAP Executive Director Rebo Saguisag, magpapaliwanag ang UST sa mga susunod na araw pagkatapos ng kanilang ginagawang imbestigasyon.

Napagkasunduan ng lahat ng mga ahensiya na hinatayin ang pahayag ng UST upang marinig ang panig nito.

Sa kanilang pahayag, binigyang-diin ng PSC ang probisyon ng Inter-Agency Task Force tungkol sa kanilang protokol sa mga gawaing pisikal at isports

Kinikilala din ng PSC ang UAAP bilang ahensiya na magbibigay sapat na hatol. 

The PSC, at this point expresses its concern for the safety of the athletes. Above all considerations at this time, the safety of the athletes must always be paramount,” ayon sa PSC.

Dumalo sa pagpupulong na inorganisa ng PSC sina PSC National Training Director Marc Velasco, GAB Chairman Abraham Mitra, Saguisag, Pangulo ng UAAP Season 83 at La Salle Athletic Director Nonong Calanog, at kinatawan ng DOH na si Rodley Carza.

LEAVE A REPLY