NAGBITIW sa puwesto ang direktor ng Institute of Physical Education and Athletics (IPEA) sa kalagitnaan ng imbestigasyon tungkol sa diumano’y Sorsogon “bubble” kung saan nagsanay ang UST Growling Tigers kahit may pandemya, ayon sa sources ng Varsitarian.

Papalitan si Fr. Jannel Abogado, O.P. ni Fr. Ermito de Sagon, O.P., na pinamunuan ang athletics program ng UST sa loob ng 16 na taon.

Nauna nang kumalat online ang kopya ng diumano’y waiver na naglalaman ng pangalan ni Abogado. Dito hinihiling ang pahintulot ng mga magulang na payagan ang mga anak na lumahok sa training sa Sorsogon, ang probinsya ni coach Aldin Ayo.

Iniimbestigahan ngayon ang koponan dahil sa bintang na lumabag ito sa quarantine guidelines ng gobeyerno.

Sinubukan pa rin ng Varsitarian na kunin ang panig ni Abogado pero hindi pa ito tumutugon.

LEAVE A REPLY