Sunday, May 19, 2024

Tag: Growling Tigresses vs UP

UP nilampaso ng Growling Tigresses

31 Agosto 2014, 11:40 p.m. - NILAMPASO ng UST Growling Tigresses ang University of the Philippines Lady Maroons, 88-75, upang maitala ang kanilang ikalawang sunod na panalos a ikalawang round ng UAAP season 77 women's basketball tournament sa Araneta Coliseum, Linggo.

Nagpakawala ang Most Valuable Player candidate na si Lore Rivera ng season-high 36 puntos, 24 mula sa second half, at 13 rebounds para maiakyat sa 6-5 ang kartada ng UST para sa ikatlong pwesto.

Tinapos ng Tigresses ang ikatlong yugto sa isang three-point play ni Marielle Isanan at tres ni Kim Reyes upang lumayo sa UP, 61-45.

UST Tigresses lusot laban sa UP

3 Agosto 2014, 5:46 p.m. - NAUNGUSAN ng UST Growling Tigresses ang University of the Philippines Lady Maroons, 44-43, sa kanilang paghaharap sa UAAP women's basketball tournament sa Ateneo Gym kanina, Agosto 3.

Ito pa lamang ang ikalawang panalo ng Growling Tigresses matapos ang limang laro.

Lumamang ang UST, 44-38, matapos maibuslo ni Kim Reyes ang isang go-ahead basket sa huling 3:18 ng laro na sinundan pa ng layup ni Kristine Siapoc.

Sinagot ito ng Lady Maroons sa pamamagitan ng isang three-point play ni Christine Aliermo.

Naka-iskor din si Antonia Wong sa ilalim ng basket na kumain sa kalamangan ng UST, 43-44, nang may isang minuto na lang ang nalalabi.

LATEST SPORTS

SOCIAL MEDIA

89,298FansLike
2,780FollowersFollow
74,941FollowersFollow
1,920SubscribersSubscribe