UP nilampaso ng Growling Tigresses

0
654

31 Agosto 2014, 11:40 p.m. – NILAMPASO
ng UST Growling Tigresses ang University of the Philippines Lady Maroons,
88-75, upang maitala ang kanilang ikalawang sunod na panalo sa ikalawang
round ng UAAP season 77 women’s basketball tournament sa Araneta Coliseum,
Linggo.

Nagpakawala
ang Most Valuable Player candidate na si Lore Rivera ng season-high 36 puntos,
24 mula sa second half, at 13 rebounds para maiakyat sa 6-5 ang kartada ng UST
para sa ikatlong pwesto.

Tinapos
ng Tigresses ang ikatlong yugto sa isang three-point play ni Marielle Isanan at
tres ni Kim Reyes upang lumayo sa UP, 61-45.

Nagpatuloy ang pananalasa ng UST sa
fourth quarter matapos ang isang putback jumper ni Maica Cortes at dalawang
freethrows ni Rivera para itala ang pinakamalaki nilang kalamangan, 78-57, may
limang minuto ang nalalabi sa laro.

Hindi na lumingon ang Tigresses at
nagawa pang makaagaw ni Rivera para sa isa pang basket at tuluyang ibulsa ang
panalo, 87-68, sa huling 1:14 ng laban.

“Naipakita na natin ang gusto
natin ipakita,” ani UST head coach Chris Cantonjos. “Yung
agressiveness nandoon from start to finish.”

Nagambag naman si Cortes ng 17 puntos
at 16 rebounds para sa Growling Tigresses habang nanguna para sa Lady Maroons
si Antonia Wong sa kanyang 24 puntos.

Ikinatuwa naman ni Cantonjos ang
magandang freethrow shooting ng kanyang koponan na nagtala ng 22-of-25 o 88
percent sa laro.

Aniya, ito ang kauna-unahan nilang
laban ngayong taon na nakaabot sa ganoong porsiyento.

“Ngaon ko lang nakita na mataas
yung freethrow percentage natin. Malaking factor ito kasi ito ‘yung problema
natin dati,” ani Cantonjos.

Susunod na makakaharap ng
UST Growling Tigresses ang Ateneo de Manila University Lady Eagles sa Sabado,
Setyembre 6, sa Mall of Asia Arena. Karl Cedrick G. Basco

***

BOX SCORE:

UST 88 – Rivera 36, Cortes 17, Reyes 7,
Felisarta 7, Siapoc 6, Magdaluyo 5, Isanan 5, Pernia 3, Pernia 3, Penaflor
2

UP 75 – Wong 24, Daez 13, Tatel 12,
Isip 10, Esplana 5, Aliermo 5, Butista 4, Delmoro 2

Quarter scores: 24-9, 37-25, 61-45, 88-75

LEAVE A REPLY