Saturday, April 13, 2024

Tag: Michael Anthony Vasco

Metrobank Chairman gagawaran ng honorary degree ng UST

4 Agosto 2014, 10:52 p.m. - GAGAWARAN ng honorary doctorate sa humanidades ang tagapangulo ng Metrobank Group of Companies na si George Ty para sa kanyang mahahalagang kontribusyon sa pag-unlad ng bansa.

Idaraos ang pagbibigay-parangal sa ika-7 ng Agosto sa Medicine Auditorium, sa pangunguna ng Rektor P. Herminio Dagohoy, O.P. at Secretary General P. Winston Cabading,O.P., kasama ang dekano ng Faculty of Arts and Letters, Michael Anthony Vasco, at ang rehente na si P. Joseto Bernadas, O.P.

Itinatag ni Ty ang Metrobank, ngayo'y isa sa mga pinakamalalaking bangko sa bansa, noong 1962 sa edad na 30.

LATEST