4 Agosto 2014, 10:52 p.m. – GAGAWARAN ng honorary doctorate sa humanidades ang tagapangulo ng Metrobank Group of Companies na si George Ty para sa kanyang mahahalagang kontribusyon sa pag-unlad ng bansa.
Idaraos ang pagbibigay-parangal sa ika-7 ng Agosto sa Medicine Auditorium, sa pangunguna ng Rektor P. Herminio Dagohoy, O.P. at Secretary General P. Winston Cabading,O.P., kasama ang dekano ng Faculty of Arts and Letters, Michael Anthony Vasco, at ang rehente na si P. Joseto Bernadas, O.P.
Itinatag ni Ty ang Metrobank, ngayo’y isa sa mga pinakamalalaking bangko sa bansa, noong 1962 sa edad na 30.
Binuo niya ang Metrobank Foundation noong 1979 sa paglalayong maglunsad ng mga programang pang-kaunlaran para bansa at sa Asya.
Huling nagbigay ang UST ng honorary doctorate noong 2009.
Sa kasalukuyan, 74 na honorary doctorate na ang naigawad ng Unibersidad sa iba’t ibang larangan.