Sunday, April 14, 2024

Tag: Nutritionist-Dietitian licensure exam

UST pumangalawa sa Nutrition boards

5 Agosto 2014, 6:52 p.m. - PUMANGALAWA muli ang UST sa listahan ng top-performing schools sa nakalipas na Nutritionist-Dietitian licensure examinations noong Hulyo, ngunit bahagyang bumaba ang marka nito.

Ayon sa datos mula sa Professional Regulation Commission (PRC), nagtala ang Unibersidad ng 90.53-percent passing rate, kung saan 86 na Tomasino mula sa 95 na kumuha ng pagsusulit ang pumasa.

Bahagyang mas mababa ito sa 95.12 percent o 78 na pumasa mula sa 82 kumuha noong nakaraang taon.

Walang Tomasino ang nakapasok sa listahan ng sampung nanguna sa pagsusulit.

LATEST