Sunday, April 14, 2024

Tag: Physical Therapy board exam

UST nangibabaw sa PT boards; passing rate sa OT tumaas

ITINANGHAL bilang top-performing school ang UST sa Physical Therapy (PT) licensure examination matapos magtala ng 91.74-percent passing rate, habang limang Tomasino naman ang nakapasok sa top 10 ng Occupational Therapy (OT) board exam.

Ayon sa datos na inilabas ng Professional Regulation Commission (PRC), 110 Tomasino ang nakapasa mula sa 119 na kumuha ng PT board exam. Bahagyang mas mababa ang passing rate kumpara sa 95.74 percent noong nakaraang taon o 45 na pumasa mula sa 47 na kumuha ng pagsusulit.

LATEST