San Raymundo ng Peñafort: Faculty of Civil Law

Ipinanganak siya noong 1175 sa Villafranca de Benadis, España. Naging propesor siya ng Canon Law noong 1195 at makaraan ang labinlimang taon, iniwan niya ang España upang tumulak patungong Bologna para magtapos ng kurso sa Canon Law. Naging tagapangulo siya ng Canon Law sa unibersidad sa loob ng tatlong taon. Nakapaglathala siya ng treatise sa ecclesiastical legislation na matatagpuan pa rin sa silid-aklatan ng Vatican hanggang ngayon.

Si San Reginaldo ang naging inspirasyon niya sa buhay. Noong 1222, tinanggap siya ng mga Dominikano ng Barcelona matapos ang kanyang pamamalagi sa Italya. Siya ang may akda ng Summa Casuum at Summa Poententia et Matrimonio. Naatasan din siyang maging theologian at penitentiary sa Kardinal Arsobispo ng Sabina na si John of Abeville.

Matapos niyang rebisahin ang Canon habang nasa Roma, bumalik siya sa Espanya at nahalal siya roon bilang General Order noong 1238.

Binasbasan siya ni Clement VII noong 1601. Ipinagdiriwang tuwing Enero 23 ang kapistahan ni San Raymundo.

Santo Tomas More: Patron ng Faculty of Arts and Letters

Kilala si Santo Tomas More bilang patron ng mga abugado. Isinilang siya noong Pebrero 7, 1478 sa Milk Street, London. Nakapag–aral siya sa St. Anthony at kumuha ng abugasya sa Oxford. Pinakasalan niya si Jane Colt at nagbunga ang kanilang pagsasama ng apat na supling. Ngunit namatay ang kanyang kabiyak kaya’t nag-asawa siyang muli ng isa ring balo.

Isinulat niya ang librong “Utopia” na nakilala bilang isang obra maestra noong 1516. Madalas na tumatalakay tungkol sa iba’t ibang isyu ng simbahan ang kanyang mga sinusulat. Iginawad sa kanya ang titulong Lord Chancellor ni Henry VIII.

READ
UST Publishing House releases 40 new titles

Dahil sa kanyang pagtutol na kilalanin ang hari bilang pinuno ng simbahan, nahatulan siya at ang kanyang matalik na kaibigan na si San Juan Fisher na makulong at mapugutan ng ulo.

Bago siya pinugutan ng ulo, nagbitiw siya ng mga salita at sinabi niyang isa siyang mabuting utusan ng hari ngunit inuuna pa rin niya ang Diyos.

Ipinagdiriwang ang kanyang kapistahan tuwing Hunyo 22.

San Camilo: Patron ng Faculty of Physical Therapy

Isang tunay na halimbawa ng mabuting samaritano si Santo Camillus. Isinilang siya sa Bucchiano noong Mayo 25, 1550. Gaya ng kanyang ama, lumahok siya sa military. At ginugol niya sa bisyong pagsusugal ang salaping kinikita niya.

Namasukan siya bilang isang utusan sa kumbento sa tulong ni St. Giovanni Rotondo. Dito niya napagtanto ang maaaring kahinatnan ng kanyang buhay. Dahil dito, nagkaroon ng pagbabago ang kanyang buhay.

Sa kanyang pagbabalik sa Roma, bumalik siya sa military at doon nag-aruga siya ng mga may karamdaman. Dahil sa matinding hangarin ni Santo Camillus na matulungan ang mga maysakit, naitatag ang Company of the Servants of the Sick noong 1582.

Noong 1586, ginawa itong isang kongregasyon ni Pope Sixtus V at binigyang-pahintulot rin si Santo Camillus na magsuot ng abitong may pulang krus.

Dumami ang mga miyembro ng nasabing kongregasyon at pati na rin ang kanilang natutulungan. Dahil dito, tinawag ni Pope Gregory XIV ang ospital na Congregation to Order of the Ministers of the Sick noong 1590.

Namatay si Santo Camillus noong Hulyo 14, 1614 at ginawa siyang santo ni Pope Benedict XIV noong 1746.

READ
UST Publishing House releases 40 new titles

Beato Angelico: Patron ng College of Architecture at College of Fine Arts and Design

Ipinanganak noong 1387 sa Vicchio, Tuscany si Beato Angelico. Bukod sa pagiging pari, nakilala rin siya bilang isang tanyag na pintor.

Noong 1418, sumapi siya at ang kanyang kapatid na si Fra Benedetto de Fiesole sa mga Dominikano.

Sinimulan niya ang pagiging illuminator ng mga missals, mga manuskrito, at mga librong panrelihiyon sa gulang na 20.

Kamangha-mangha ang mga larawang kanyang ipininta na kadalasa’y tungkol sa relihiyon. Inisip niya na sa pamamagitan ng pagsunod kay Kristo, epektibo niya itong mailalarawan. Naipinta niya ang kanyang mga obra maestra habang nasa Florence. Siya rin ang nagdisenyo sa kumbento ng San Marco.

Ang Madonna of the Star, Crucifixion, The Coronation of the Virgin, The Virgin and Child with Saints, Naming of John the Baptist, The Preaching of St. Peter, Paradise at Last Supper, ang ilan sa kanyang mga obra.

Namatay siya noong Marso 18,1455 sa kumbeto ng mga Dominikano saRoma at nailibing sa simbahan ni Santa Maria.

Hindi opisyal na ipinahayag ang kanyang pagiging santo hanggang 1984.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.