Tomasinong arsobispo emerito ng Cagayan de Oro, pumanaw sa edad na 89

0
1487

PUMANAW ang Tomasinong si Jesus Tuquib, arsobispo emerito ng Cagayan de Oro, sa edad na 89 noong ika-1 ng Agosto matapos ang matagal na karamdaman.

Ipinagbigay-alam ni Obispo Alberto Uy ng Tagbilaran na namatay si Tuquib sa Maria Reyna-Xavier University Hospital sa ganap na 5:30 n.h.

Taong 1959 nang maordinahan siya bilang pari sa Diyosesis ng Tagbilaran.

Hinirang si Tuquib bilang kauna-unahang obispo ng Pagadian noong 1973. Nanatili siya sa naturang puwesto hanggang 1984 at kalaunan ay napili na maging katuwang o coadjutor na obispo ng Cagayan de Oro.

Itinalaga siyang arsobispo ng lugar noong 1988, kahalili ng nagretirong arsobispo na si Patrick Henry Cronin.

Naglingkod siya sa arsobispado hanggang sa kaniyang pagretiro noong 2006.

Naging kansilyer din si Tuquib ng Diyosesis ng Dipolog noong 1967 at tagapangasiwa ng Our Lady of the Rosary Cathedral sa parehong lugar noong 1969.

Natapos niya ang kaniyang doktorado sa sacred theology sa Unibersidad noong 1967.

 

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.