Hinangaan ng mga bisita sa eksibit ang ilan sa mga dibuho para kay Sto. Domingo. Photo by UST-DOMNET YOUTH GROUPUPANG mabigyan halaga ang kontribusyon at kaarawan ni Santo Domingo, nagdaos ang UST-Dominican Network (DOMNET) Youth Group ng isang exhibit na nagngangalang Light of the Church: Reliving The Legacy of Saint Dominic mula Agosto 4-13 sa UST Museum of Arts and Sciences kung saan itinampok ang iba’t-ibang likhang sinang na may kaugnayan kay Santo Domingo.

Ngunit hindi lamang puro pintura at rebulto ni Santo Domingo ang meron sa exhibit; makikita din ang pagpupugay sa iba pang mga santo at santa. Nakapaskil din ang iba’t-ibang impormasyon tungkol kay Santo Domingo at sa Dominican Order.

“Isa itong imbitasyon upang balikan ang kaniyang buhay at ang kaniyang mga pamana,” ani Mark Vincent Salang, ang coordinator ng UST-DOMNET Youth Group at ang namuno sa proyektong ito.

Ang mga likhang sining na nilalaman ng exhibit ay nanggaling sa iba’t-ibang lugar at magkakaiba rin ang katandaan. Kabilang sa mga ito ay nanggaling mismo sa UST.

Isa sa mga kamangha-mangha sa exhibit ay ang dalawang antigong ivory na rebulto nina Santo Rosario at San Vicente Ferrer. Ayon kay Salang, “napaka tanda na ng mga ito, mahigit isang-daang taon na ayon sa nagmamay-ari. Ito ay ang mga imahen ng Santo Rosario at ni San Vicente Ferrer.”

Ang unang parte ng exhibit ay tungkol kay Santo Domingo de Guzman, kung saan ipinapakita ang mga simulain niya. Sumunod dito ay ang Order of Preachers kung saan ipinakita ang apat na haligi ng isang buhay Dominiko, at ang DOMNET. Ang pangatlo at huli naman ay ang Bearers of Light na nagtatampok sa mga Dominiko na nabasbasan ng Vatican bilang mga Santo, Santa at Banal.

READ
Alternatibong medisina sa perspektibong Tomasino

Ang pagkakaayos ng exhibit sa ganitong paraan ay inihambing ni Salang sa isang puno.

“Ang unang parte ay ang binhi na si Santo Domingo, ang pangalawa ay ang Order of Preachers na siyang puna, at ang pangatlong bahagi ay ang Bearers of Light, ang bunga ng binhi ni Santo Domingo,” ani Salang. “Ganoon ang pagkakaugnay nila. Sila ang nagtuloy na magningas sa apoy na ipinasa-pasa nila hanggang sa wakas natanggap natin ito at pinagniningas natin.”

Kahit sa exhibit, kung saan iilang likhang sining lang ang tampok, malaking bahagi nito ay nakatuon sa kasaysayan ni Santo Domingo at ng Dominican Order, kapita-pitagan ang naging presentasyon.

“Kadalasan, taon-taon namang nagdadaos ang DOMNET ng exhibit, ngunit ito ang unang pagkakataon na nagkaroon kami ng exhibit na kasing engrande nito,” sabi ni Salang.

Dinaluhan din ni Rektor P. Rolando de la Rosa, O.P. ang exhibit upang magbigay ng paunang talumpati.

Batid sa kaalaman ng maraming Tomasino, malaki rin ang dapat na ipagpasalamat ng Unibersidad kay Santo Domingo.

“Malaki ang utang na loob natin kay Santo Domingo bilang nagtatag ng Order of Preachers. Si Santo Domingo ang liwanag sa gitna ng kadiliman ng maling mga aral ng pananampalataya,” ani Salang. “At isa si Santo Tomas sa mga magandang binunga ng Dominican Order kaya dapat din nating siya pasalamatan.”

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.