Tag: Agosto 31, 2009
Pagmumuni-muni sa mundong palaisipan
ANG AGHAM at kababalaghan ay kadalasang hindi maipagsama. Ngunit sa panitikan, maaari itong mangyari. Kailangan lang sagutin ng mga manunulat at mambabasa ang isang tanong: “Paano kung?” Sa pagsagot sa tanong na ito nabubuo ang isang uri ng katha na tawag ay speculative fiction.
Ayon kay Victor Emmanuel Carmelo Nadera, direktor ng Institute for Creative Writing sa University of the Philippines, ang speculative fiction ay naiiba sa karaniwang anyo ng katha tulad ng science, fantasy, at horror fiction.
“Winawasak nito ang mga harang na nagbubukod sa iba’t-ibang uri ng katha,” ani Nadera. “Sa prosesong ito nabubuo ang speculative fiction.”
Ayon naman kay Ralph Semino Galan, propesor ng panitikan sa Faculty of Arts and Letters, walang pinagkaiba ang proseso ng paggawa ng isang speculative fiction sa ibang uri ng katha.
Anong kababalaghan ang nais mong mangyari dito sa UST?
“Sana maging time machine ang library natin, para mabigyan tayo ng pagkakataong maranasan ang mga bagay at pangyayaring itinuturo sa atin sa classroom. Puwede rin nating balikan yung mga mahahalagang kaganapan sa
kasaysayan gaya ng Martial Law at 1986 Edsa Revolution.”
- Lian Nami Buan, journalism senior
“May lagusan na nagdurugtong sa nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap. Para na rin madala sa maling panahon ang mga propesor.
- Nerie Rose Santos, food technology senior
“Siguro maganda kung magiging paaralan para sa mga superheroes na nakatadhanang baguhin ang mundo.”
- Rachelle Anne Salonga, food technology senior
Ang pagbabalik ng dragon
MAAARING wala ng iba pang nilalang ang makakalampas sa saklaw ng panahon, kultura at paniniwala maliban sa dragon. Isa ito sa mga pinakamisteryosong produkto ng imahinasyon ng tao.
Kinalaunan, nagkaroon ang dragon ng iba’t ibang anyo–ang iba’y nakatira sa tubig, naglalabas ng yelo kaysa apoy, kumakaibigan sa mga tao at minsa’y pinaniniwalaang kumakain ng buwan tuwing nangyayari ang eklips.
Hangad ng patnugot ng A Time for Dragons: An Anthology of Philippine Draconic Fiction na si Vincent Michael Simbulan na maibalik ang nabawas na interes sa mga dragon dala ng labis-labis at clichéd na paggamit nito sa panitikan.
Si Simbulan ay nagtawag sa mga manunulat na handang sumabak sa proyekto at ipalabas ang dragon sa panibago at kakaibang persepyo na makakaayon sa panlasa ng mga Pilipinong mambabasa.
Dahil dito kaya ang A Time for Dragons ay binubuo ng mga kuwento at sanaysay na tungkol sa pag-ibig at trahedya.
Trabaho peryodismo
Parang pamatong ng papel sa tanggapan
nang utusan ng kataas-taasan
“Pumunta ka dito at kapanayamin ‘yan”
Papel at lapis ang tanging puhunan.
Tinahak ang malayo at mainit na daan
Daig pa ang sundalong, babad na sa Basilan.
At nang nakasalubong ang mga kaibigan
masakit na tinanggihan
ang alok na inuman.
Kinausap ang kalihim
kung nasaan ang amo
kinapanayam ang hambog na pulitiko
gamit ang bitbit na kuwaderno.
Lubog na ang araw
nang maimprenta ang kuwento
pipikit na sana nang mapukaw
sa ingay ng telepono.
Kagawaran ng Filipino, kailan ba talaga?
PAIKOT-IKOT.
Ganito mailalarawan ang naging kalagayan ng wikang Filipino sa UST magmula nang buwagin noong 1979 ang dating Kagawaran ng Filipino at ipagsanib ito sa isang departamentong binubuo ng iba pang itinuturong wika sa Unibersidad. Nang maglaon, binuwag rin ang kagawaran ng wika at pinalitan ng isang departamento para sa mga asignaturang general education.
Mula noon, makailang ulit nang nailathala sa Varsitarian ang hinaing ng mga guro ng Filipino sa UST na ibalik ang sariling kagawaran na tutugon sa mga pangangailangan ng displina.
Ayon na rin kasi kay Marilu Madrunio, tagapangulo ng Department of Languages, may iba’t ibang pangangailangan ang bawat sangay ng departamento na matutugunan lamang ng maayos kung ang pokus ng namamahala ay doon lang.
Balik-tanaw
1938 – Sa pagpupursige ni Jose Villa Panganiban na itinuturing na Ama ng Varsitarian at dating tagapangulo ng Surian sa Wikang Pambansa, itinatag ang magkahiwalay na Kagawaran ng Tagalog at Ingles sa UST.
1948 – Itinatag ang Institute of Spanish upang magsanay ng mga guro sa wikang Espanyol.
1967 – Bumuo naman ng Speech Department para sa mga guro sa Ingles.
1971-1978 – Ginintuang panahon ng wikang Filipino sa UST dahil sa pag-usbong ng pangalan ng mga manunulat sa Filipino.
1979-1982 – Binuo ang Department of Languages sa utos ng Rektor P. Frederik Fermin kung saan pinagsanib sa isang kagawaran ang mga itinuturong wika sa UST tulad ng Filipino, Ingles, Espanyol, Pranses, Aleman, at Nippongo. Kasama rin dito ang Panitikan.
‘Idealistang nangarap ng magandang daigdig’
NABABALOT man sa kontrobersiya ang paghirang sa mga bagong Pambansang Alagad ng Sining noong Hulyo, natatangi naman ang posthumous na pagkilala kay Lazaro Francisco sa larangan ng panitikan. Mula sa pitong mga hinirang, isa si Francisco sa tatlong orihinal na pinili ng seleksiyon upang bigyan ng parangal.
Kinilala si Francisco bilang isa sa mga pangunahing nobelista sa wikang Filipino dahil sa kaniyang mga realistang paniniwala na makikita sa kaniyang mga nobela.
“When the history of the Filipino novel is written, Lazaro Francisco is likely to occupy an eminent position in it. Already in Tagalog literature, he ranks among the finest novelists since the beginning of the 20th century,” ani Bienvenido Lumbera, isa ring Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan.
Ang ‘Medisining’ ni Toribio Herrera
MALIBAN kay Jose Rizal at iba pang mga tanyag na Tomasino, isang alumnus din ang nagpatunay na hindi suntok sa buwan ang maging parehong dalubhasa ang dalawang nagtutunggaling disiplina––agham at sining––pagkatapos niyang maipamalas ang galing sa medisina at pagpipinta.
Ngunit hindi man lang nasilayan ni Dr. Toribio Herrera (1888-1968) ang pagbibigay-pugay sa kanya noong Hunyo 24 sa Government Service Insurance System Museum of Art, kung saan isinapubliko sa ikalawang pagkakataon ang kayang mga obra maestro sa isang exhibit na pinamagatang “Medisining: The Art of Toribio Herrera.”
Unang ipinakita ang mga gawa ni Herrera noong 1972, apat na taon matapos siyang pumanaw.
Ayon kay Mary Ann Venturina-Bulanadi, ang co-curator ng exhibit at propesor sa College of Fine Arts and Design sa Unibersidad, isa sa mga misyon ng exhibit ay ang maipakilala si Toribio Herrera sa kasalukuyang henerasyon.
Tahimik, subalit malalim
NITONG nakaraang Hulyo 30 hanggang Agosto 27, sa ikatlong pagkakataon, itinanghal muli ang International Silent Film Festival dito sa Maynila, kung saan tampok ang limang lumang pelikula.
Isa sa mga pelikulang ipinalabas ay ang La Aldea Maldita o Ang Isinumpang Bayan, na nagmula pa sa Espanya at dinala ng Instituto Cervantes. Kinunan ang pelikulang ito noong taong 1930 kung kailan hindi pa kayang pagsamahin sa pelikula ang boses ng mga artista, at kinakailangan pang basahin ang dialogo bilang talababa.
Ngunit ang kakaiba sa panonood ng La Aldea ay sinabayan ito ng nakagaganang tugtugin mula sa bandang Affinity ni Johnny Alegre. Sa loob ng sinehan ay nandoon mismo ang banda na tumutugtog ng kung ano ang akma para sa ipinapalabas na eksena.
Ang La Aldea Maldita ay tungkol sa maliit na bayan ng Kastila na tinamaan ng sakuna kaya nangamatay ang lahat ng pananim at nagutom ang mga naninirahan dito.
Pinagsamang vision ng Suarelli brothers
SA KABILA ng kanilang mga malaking pinagkaiba, nakapagpasagawa ang mga Tomasinong sina Angelo Suarez at Costantino Zicarelli ng isang eksibit na naglalayong palawakin ang angkop na paksa ng pagkakaiba sa The Suarelli Brothers Have Nothing To Do With Each Other, na itinanghal sa blanc compound, Shaw Boulevard mula Agosto 1 hanggang 21.
Sa kanilang pinaka-unang two-man show, nilayon nina Suarez at Zicarelli sa The Suarelli Brothers—isang pangalan mula sa kanilang pinaghalong apelyido—na tuklasin ang magiging bunga kapag ipinagsama ang dalawang bagay na walang kinalaman sa isa’t isa at kung ano ang magiging epekto nito sa mga manonood.
Gamit ang teknikong juxtaposition, nabigyan ng mga artista ng aktibidad at buhay ang naturang eksibit.
“Sa pagtatabi nila, nagkakaroon ng interaksyon—o nagtatalo, para mas nakaka-angkop—ang mga gawa namin,” sabi ni Suarez, na nagtapos ng kursong Literature noong 2005.