MAAARING wala ng iba pang nilalang ang makakalampas sa saklaw ng panahon, kultura at paniniwala maliban sa dragon. Isa ito sa mga pinakamisteryosong produkto ng imahinasyon ng tao.

Kinalaunan, nagkaroon ang dragon ng iba’t ibang anyo–ang iba’y nakatira sa tubig, naglalabas ng yelo kaysa apoy, kumakaibigan sa mga tao at minsa’y pinaniniwalaang kumakain ng buwan tuwing nangyayari ang eklips.

Hangad ng patnugot ng A Time for Dragons: An Anthology of Philippine Draconic Fiction na si Vincent Michael Simbulan na maibalik ang nabawas na interes sa mga dragon dala ng labis-labis at clichéd na paggamit nito sa panitikan.

Si Simbulan ay nagtawag sa mga manunulat na handang sumabak sa proyekto at ipalabas ang dragon sa panibago at kakaibang persepyo na makakaayon sa panlasa ng mga Pilipinong mambabasa.

Dahil dito kaya ang A Time for Dragons ay binubuo ng mga kuwento at sanaysay na tungkol sa pag-ibig at trahedya.

Pamilyaridad bilang makapangyarihang nilalang ng dragon ang ginamit sa mga kuwento tulad ng “A Fishy Tale” ni Apol Lejano-Massebieu, at “The Bridge” ni Yvette Natalie U. Tan, kung saan ipinakita kung paano nagdudulot ng pagkatakot ang mga dragon.

Sa “A Fishy Tale”, isang dragon ang nagpapanggap bilang Amerikanong turistang nakatira sa isang island resort. Sa pamamagitan ng isang tila karaniwang tagpuan, mainam na ibinalot ni Lejano-Massabieu ang mambabasa sa isang belo ng nakapangingilabot na misteryo at sindak sa pamamagitan ng tahasang karahasan.

Ang “The Bridge” naman ay maaring maituring na isang panlipunang komentaryo, partikular noong panahon ng Martial Law.

Sa kalagitnaan, ipinakilala naman ng mga kwentong “Dragon Brother” ni Cyan Abad-Jugo at “The Clockwork Dragon’s Heart” ni Simbulan ang mga dragon bilang mga kaibigan ng tao. Ang “Capture” ni Gabriella Lee at “Moondown and Fugue” ni Alexander Drilon ay humiram ng konsepto mula sa mga alamat ng Pilipino. Ang “Capture” ay ginawang makatao ang konsepto ng aswang, kung saan ito ay may kakayahang bumuo ng isang romantikong relasyon at makipagtalik sa tao. Ilan sa mga kuwento ay hindi orihinal ang mga konsepto at piniling humiram sa umiiral na panitikan, Drakoniko man o hindi.

READ
The fungal frog menace

Gayunman, ang iba ay mahusay na naipamalas ang katangiang Pilipino habang pinananatili ang kani-kaniyang estilo ng mga awtor.

Sa wakas, nabigyan din ng A Time for a Dragon ang mga dragon ng naayon na karangalan para sa mga ito

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.