Sunday, July 21, 2024

Tag: Agosto 31, 2009

Mga Tomasino pinarangalan sa 13 Artists Awards

MAPANGUTYA at mapanlaban sa kanilang mga point of view, halatang may bahid din pala ng pagka-rebelde ang dugo ng mga Tomasinong artista matapos maparangalan ang dalawang alumni mula sa College of Fine Arts and Design (CFAD) sa nakaraang 13 Artists Awards sa Cultural Center of the Philippines (CCP) noong ika-siyam ng Hulyo.

Inihahandog ng isang beses kada tatlong taon, kinilala sa 13 Artists sina Buen Calubayan at Raul Ignacio “Iggy” Rodriguez bilang dalawa sa mga pinakatanyag na pausbong na mga lokal na artista, dala ng kanilang mga obrang lumilihis sa tradisyonal na gawi ng sining.

Pagbabalik-tanaw kay Sto. Domingo

UPANG mabigyan halaga ang kontribusyon at kaarawan ni Santo Domingo, nagdaos ang UST-Dominican Network (DOMNET) Youth Group ng isang exhibit na nagngangalang Light of...

Globalisasyon at ang wikang Filipino

SA PANAHON ng Twilight, Twitter, at Facebook, may lugar pa ba ang wikang Filipino?

Paulit-ulit ko itong itinanong sa aking sarili nang minsang mag-internet ako. Sa dinami-rami ng “tweets” ng mga contacts ko sa Twitter, mabibilang na lamang sa daliri ang gumagamit ng wikang Filipino. Isa naman sa aking mga kaibigan sa Facebook ang sumagot ng survey na “favorite books” at hindi ko na ikinagulat ang isinagot niya. Nangunguna sa listahan niya ang Twilight ni Stephenie Meyer at wala ni isa man sa limang inilista niya ang isinulat ng Filipino. Bukod pa rito, kahit na itinatampok naman sa mga networking site tulad ng Friendster at Plurk ang paggamit ng Filipino bilang pangunahing wika ng website, mas pinipili pa ring ng nakararami na gamitin ang Ingles.

Higit pa sa kakaning de lata

HINDI ganap na mabuti ang isang mabuting gawain kung hindi ito nagmumula sa mabuting loob. Baliwala ito kung may kapalit dahil hindi naghahangad ng pabuya ang tunay na matulungin. Sabi nga ng matatanda, batuhin ka man ng bato, iganti mo ay tinapay. Samakatuwid, likas sa kanya ang pag-aalala para sa iba.

Marunong manahimik ang nagmamahal. Hindi kailangang ipagsigawan at ipangalandakan ang damdamin. Marunong magtimpi ang ganap na umiibig.

Nabuo ko ang mga konseptong ito, partikular ang unang linya, sa tulong ng sanaysay ni Florentino Hornedo na pinamagatang “Pagpapakatao.” Labis ang tuwa ko nang mabasa ito dahil karamihan ng aking paniniwala noon pang pagkabata ay naisulat niya sa pamamaraang gusto ko ring sabihin.

Filipino, hindi marunong ng Filipino

“BAKIT nga hindi? Bitin nga ang isa, parang beer.”

Iyan ang sagot ni Conrado de Quiros sa mga mambabasa ng Inquirer nang marami ang humiling na magkaroon ng “Teyktu” ang kaniyang naunang kolum nitong Agosto na tumuligsa kina Cerge Remonde, Anthony Golez, ang kanilang “amo,” at iba pa.

Hindi naman lingid sa kaalaman ng marami ang galing at ang walang takot na pamamahayag ni de Quiros gamit ang pagsusulat ngunit tila higit na marami ang nabilib, natuwa, at naaliw sa naturang pitak na ito. Bakit kaya?

Isa lang ang nakikita kong kasagutan sa tanong na iyan: Filipinong balbal ang ginamit niya sa pakikipagtalastasan.

***

Habang maaga ay magparehistro

ANG KALIWA’T kanang pagpapalabas ng infomercials ng mga pulitiko sa telebisyon ay tabing upang pagtakpan ang kanilang intension na tumakbo sa darating na eleksiyon.

Lumang tugtugin na ito kung tutuusin, lalo na’t ilang buwan na lang ay Mayo na ulit. Isang buwan ito pagkatapos ng aking kaarawan, at doon ko naalala na nasa hustong gulang na pala ako para bumoto. Naku, magparehistro nga!

Tumungo ako sa Office of the Elections Officer (OEO) ng aming munisipyo sa Quezon City dala ang kaunting identification gaya ng kopya ng birth certificate at student ID. Hindi naman mahaba ang pila dahil matagal pa naman ang ika-31 ng Oktubre, ang huling araw ng pagpaparehistro.

‘Affected’ ka ba?

ISA NA siguro sa pinakamagandang katangian ng mga Filipino ang pagka-sensitibo sa mga bagay-bagay. Likas sa mga Filipino ang kakayahang makaramdam sa kapwa tao lalo na sa kanilang pangangailangan. Kaya nga hindi na bago para sa atin ang makakita sa telebisyon ng bayanihan sa tuwing ang isang komunidad ay nalulugmok sa hirap dulot ng kalamidad.

Oo, madali tayong makaramdam. Madaling maapektuhan ang mga Filipino ngunit hindi lamang sa magandang paraan, kundi pati na rin sa pangit at minsan ay nagbubulag-bulagang paraan.

Kamakailan lamang ay muling nasangkot sa kontrobersiya si Willie Revillame matapos niyang ipatanggal ang coverage ng libing ng yumaong Corazon Aquino na ipinalalabas kasabay ang kaniyang noontime show. Sa ere ay nagsabi si Revillame na tanggalin ang live video ng libing dahil ‘diumano kawalan ito ng respeto sapagkat habang ang bayan ay nagluluksa, sila naman daw ay nagpapakasaya.

Pagsasabuhay sa diwa ng kalayaan

Dibuho ni F.M.C. AmarPAANO nga ba natin sila pananatilihing buhay?

Ito ang mga salitang binitiwan ng isang dyaryo sa kaniyang mambabasa, ilang araw pagkatapos mamatay ni Corazon “Cory” Aquino. Sa kaibuturan ng tanong na ito, makikita ang mukha ni Cory at ng asawa na si Ninoy Aquino, ang tinutukoy ng tanong.  

Kilala sa atin ang mag-asawang Aquino bilang tagapagtanggol ng kalayaan at simbolo na rin ng demokrasya sa bansa. Naging catalyst ang brutal na pagpaslang kay Senator Ninoy Aquino habang pababa siya sa tarmac upang magising ang mga Filipinong nagbubulag-bulagan sa talamak na karahasan at kahayupan sa kanilang paligid, dala ng “martial law.” Subalit hindi ito sapat upang maudyok sila na lumaban at kumilos; kinailangan pa ang presensya ng asawa ni Ninoy na si Cory, isang naghihinagpis na biyuda galing sa Tarlac (suot-suot ang kaniyang bistudang dilaw at “Laban” sign), upang bawiin ang kanilang kalayaan mula sa kamay ng isang diktador sa pamamagitan ng malawakang “People Power Revolution.”

Ang UST sa panahon ng Internet

MULA aplikasyon sa UST entrance test, pagpapatala, paghahanap ng libro sa aklatan hanggang sa pagkuha ng grado, masasabing malaki na ang ipinagbago ng pamumuhay sa Unibersidad dahil sa paggamit ng Internet. Ngunit alam niyo ba kung paano ito nagsimulang gamitin sa UST?

Bago matapos ang taong 1993, ang Philippine Long Distance Telephone Co. (PLDT) ang nagsilbing sandigan ng koneksyon ng Internet sa buong bansa.

Ang pagtatalo sa ‘codeswitching’

Dibuho ni R.I.M. CruzKUNG wika nga ang basehan ng pagkakilanlan, tila ‘di raw batid ng mga Filipino ang ginagawa nilang pagpatay sa kanilang sariling wika.

Sa paniniwala kasi ni Jose Dakila Espiritu, propesor ng Filipino sa College of Education, sa bawat pagbigkas ng “Taglish” at “Enggalog” ay niyuyurakan ang wikang Filipino at gayon din naman ang wikang Ingles.

Ang Taglish at Enggalog ang mga nakagawiang konsepto na bumubuo sa penomenang panglinggwistika na codeswitching, kung saan salitan ang paggamit ng dalawang magkaibang wika.

Ayon kay Espiritu, malaking problema ng mga estudyante, partikular na ng mga Tomasino, ang codeswitching.

“Nakalulungkot sabihing hindi mataas o hindi mahusay ang mga mag-aaral sa parehong wika (Ingles at Filipino),” ani Espiritu.

Ngunit ayon kay Carmelita Abdurahman, isa sa 11 komisyoner sa Komisyon sa Wikang Filipino, walang masama sa codeswitching upang magkaroon ng mas epektibong komunikasyon.

LATEST