Sunday, July 21, 2024

Tag: Agosto 31, 2009

Ponciano Pineda; 81

ISA SA kinikilalang tagapagtaguyod ng wikang pambansa at panitikan ang pumanaw bago pa man magsimula ang Buwan ng Wika.

Si Ponciano B.P. Pineda, 81, itinuturing “Ama ng Komisyon sa Wikang Filipino” ay namatay noong Hulyo 31 dahil sa cardiac arrest.

Si Pineda ang nanguna sa pagtatag ng Komisyon sa Wikang Filipino noong 1991 mula sa noo’y Surian ng Wikang Filipino. Pinamunuan niya ang komisyon sa loob ng halos 30 taon.

Sa paanyaya ng noo’y kalihim ng Kagawaran ng Filipino sa UST at “Ama ng Varsitarian” na si Jose Villa Panganiban, pumasok si Pineda sa Unibersidad at nagtapos ng kursong Associate in Arts noong 1948. Naging patnugot din siya ng seksyong Filipino ng Varsitarian.

‘Ako si Ninoy’ itinanghal

NAGBIGAY-PUGAY ang UST Symphony Orchestra sa bayaning si Benigno Aquino, Jr. sa isang musikal na pinamagatang “Ako si Ninoy” sa Meralco Theater noong Agosto 14 hanggang 16.

Kasama ang Tomasinong kompositor na si Pipo Cifra, pangulo ng Conservatory of Music Alumni Association, itinanghal ng Philippine Stagers Foundation ang palabas bilang bahagi ng kilusang “I Am Ninoy” na naglalayong hikayatin ang mga Filipino na maging ehemplo ng nasyonalismo gaya ng senador na pinaslang noong Agosto 21, 1983.

Sa ilalim ng direksyon at panunulat ng Aliw awardee na si Vincent Tañada, ang presentasyon ay umikot sa buhay ng apat na ordinaryong Filipino—isang overseas Filipino worker na nagnanais bumalik sa kaniyang pamilya, isang doktor na nagsisilbi sa masa, isang pinuno ng unyon, at isang batikang artista, na naisipang magtapos muna ng kaniyang pag-aaral—na naging bayani sa kanilang sariling pamamaraan.

‘V’ lensman nagtanghal ng exhibit

NAGDAOS ng kaniyang kauna-unahang one-man-exhibit ang Varsitarian photographer na si Mark Jonathan See sa One Workshop Gallery sa Makati mula Agosto 11 hanggang 25.

Pinamagatang “Beauty of the Unknown,” ang exhibit ay naglalayong “ipakita ang kagandahan ng mga bagay na hindi napapansin sa paligid natin,” ani See.

Ang exhibit ay natampok sa 14 na litrato ng iba’t-ibang halaman na may pare-parehong titulong Unknown.

Si See ay nasa ikatlong taon sa kursong Communication Arts at miyembro ng iba’t-ibang samahan tulad ng Canon Users, Digital Photographers of the Philippines, Pinoy Photographers, Picture Perfect Club, at Photographers Club Philippines. Maria Joanna Angela D. Cruz

LATEST