1938 – Sa pagpupursige ni Jose Villa Panganiban na itinuturing na Ama ng Varsitarian at dating tagapangulo ng Surian sa Wikang Pambansa, itinatag ang magkahiwalay na Kagawaran ng Tagalog at Ingles sa UST.

1948 – Itinatag ang Institute of Spanish upang magsanay ng mga guro sa wikang Espanyol.

1967 – Bumuo naman ng Speech Department para sa mga guro sa Ingles.

1971-1978 – Ginintuang panahon ng wikang Filipino sa UST dahil sa pag-usbong ng pangalan ng mga manunulat sa Filipino.

1979-1982 – Binuo ang Department of Languages sa utos ng Rektor P. Frederik Fermin kung saan pinagsanib sa isang kagawaran ang mga itinuturong wika sa UST tulad ng Filipino, Ingles, Espanyol, Pranses, Aleman, at Nippongo. Kasama rin dito ang Panitikan.

2004 – Sa pagkabigo umano ng Department of Languages at Social Sciences and Philosophy Department na paunlarin ang mga hawak nitong disiplina, pinagsanib ang mga ito upang buuin ang General Education Department.

2006 – Muling ibinalik ang Department of Languages kung saan kasalukuyang nananahan ang Filipino, Ingles at Espanyol. Binuo rin ang mga kagawaran ng Humanities at Social Science.

2009 – Bahagi ng planong vertical articulation ng UST pagdating ng 2011, binuo ang Department of History ng UST.

READ
Guerrilla

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.