ANG ILAN, kung hindi karamihan, sa pinagmamasdang sining na koleksiyon ng Bangko Sentral ng Pilipinas, ay gawa ng mga Tomasino.
Nito lamang ikalima ng Agosto, binuksan para sa mata ng publiko ang “UST sa BSP,” isang eksibit kung saan ipinapakita ang mga likhang-sining ng ilang artisan na hinubog ng nasabing Unibersidad.
Noon pa man ay namimili na ang BSP ng mga piyesa na siyang mapabibilang sa kanilang prestihiyoso at mayaman na koleksiyon.
Tulad ng “Nangka” ni Manuel Rodriguez Jr., “Pagbalik” ni Tam Austria noong 1982 at “Salakob” (1976) ni Roger San Miguel na nagpapaalala ng mga bagay-bagay at kaugalian na siyang may tatak Pinoy.
Sa kabilang mga kinakaharap na isyung ilang Tomasinong pintor sa “Kulo,” makikitaan ng kakaibang anggulo ang “Kaarawan ni Kristong Hari” (1972) ni Manuel Baldemor at ang katakot-takot bagkus henyong oil on masonite na “Pagbaba Mula sa Krus” (1965) ni Norma Belleza.
Kakaibaang paggamit ngwater color nina Agustin Goy sa “Paratingna Ulan” (1965) at Rafael Asuncion sa “Puertang Intramuros” (1975). Makikita sa likha ni Goy ang paglabong larawan dulot ng kalungkutan at ang paglalagay naman ni Asuncion ng sari-saring lilim sa kaniyang Intramuros.
Mapaglaro namanang ipininta ni Oscar Zalamedana “Ang Mangingisda,” na siyang makikitaan ng kakaibang nginig, dala ng iba’t ibang kulay nito. Ang “Seryeng Amburyan” naman ni Prudencio Lamaroza ay matatanawan ng iba’t ibang teknik sa pagpinta.
Bagaman kontemporaryo na ang sining noong panahon na ginuhit nila ito, ang abstrak ay sadyang hindi mawawala sa mga obra nina Romulo Olazo sa misteryosong “Naaninag” (1975) at Angelito David sa mapagpahayag na “LilangKalagayan” (1972). Nangingibabaw naman ang pandaigdig na tono sa mga abstrak nina Justin Nuyudasa “Hanap” (1974) at Rodolfo Samonte sa “Maramihang Kulay.”
Isinabit rin ang mga likha ng mga batikan at Pambansang Artists na sina J. Elizalde Navarro, “Mga Manliligo” (1957), isang abstrak din na gumamit ng pandaigig na kulay; Ang Kiukok, “Tanawin sa Buwan” (1967) na siyang masasabing parallel sa cubism nas inimulan ni Pablo Picasso; Victorio Edades, “Larawan ni Padre Silvestre Sancho” (1938), na nagpapatunay lamang na si Edades ay may dugong Tomasino.
Nag-iisa lang ang panlililok ni Ramon Orlina na gawa sa salamin noong 1995. Si Orlina rin ang gumawa ng “Quattromondial” na iskultura na masisilayan sa Quadricenttenial Park ng UST.
“Gusto namin na makibahagi sa pagdiriwang ng UST ng kanilang ika-apat na raan na taon,” banggit ni FralynnManalo, Marketing at Press Release Officer ng Metropolitan Museum of Manila. “Hindi naman dumadating ang mga ganitong pagkakataon araw-araw,” aniya.
Ang eksibit na ito na bukas hanggang sa huling araw ng Setyembre ay napapanahon hindi lamang para sa ika-apat na raan na taon ng UST, bagkus para rin sa Buwan ng Wika.