Tag: Agosto 26, 2011
‘Cyber-bullying,’ parurusahan ng OSA
BABALA ng Unibersidad: mag-ingat sa inyong mga pahayag sa Facebook, Twitter, at iba pang social networking sites.
Idinagdag na ng Office for Student Affairs (OSA) sa Code of Conduct and Discipline ng student handbook ngayong akademikong taon ang “cyber-bullying” o anumang uri ng misbehavior sa social networking sites.
“Because of the increasing number of incidents concerning students being bullied in social networking sites, we decided that is about time that we emphasize to students that their expression in social networking sites can have repercussion in the University,” ani Antonio Chua, legal consultant ng OSA.
Cruz, mga opisyal ng CCP, kinasuhan sa Ombudsman
HINDI dapat isisi sa Unibersidad ang mga ‘di kanais-nais na gawain ng mga nagsipag-aral dito, ayon sa Rektor.
Nilinaw pa ni P. Rolando de la Rosa, O.P. na ang mga Tomasinong artist na bumuo ng “Kulo” exhibit ay hindi humingi ng permiso na idaos ito bilang bahagi ng Quadricentennial celebration ng Unibersidad.
“Schools certainly want their graduates to embody the values and principles that make us truly human, but other societal forces push powerfully in the other direction,” ani De la Rosa sa kaniyang opisyal na pahayag matapos ang kontrobersiya sa art installation ni Mideo Cruz na tinaguriang “Poleteismo” (makikita ang buong pahayag sa pahina 7).
Human Cross, pasok sa Guinness
OPISYAL nang nakuha ng UST ang Guinness World Record para sa “largest human cross” na isinagawa sa open field noong Marso 9, ayon sa Office of the Secretary General.
Batay sa talaan ng Guinness, ang pangyayaring isinabay sa pagdiriwang ng Ash Wednesday ay nilahukan ng 13,266 Tomasino—lubhang mababa sa naunang tantsa na mahigit sa 20,000 na kalahok.
Ngunit lubha itong mababa sa inaasaahang humigit-kumulang 24,000 na kalahok.
“The official count only recognized those who swiped their ID’s both when entering and going out of the field, as relayed during the instructions,“ ayon sa UST QUADRI, ang Facebook account na nasa pamamahala ng Office of the Secretary General.
Halaga ng CCTV, umabot ng P10M
HUMIGIT kumulang 500 na CCTV cameras ang nakakabit na ngayon sa loob ng ilang mga gusali at silid-aralan ng Unibersidad.
Sa kasalukuyan, apat na gusali na ang tapos nang lagyan ng mga CCTV camera upang paigtingin ang seguridad sa loob ng campus. Kabilang na rito ang Main Building, Beato Angelico Building, St. Martin de Porres Building, at St. Raymund de Peñafort Building.
Ayon kay Richie Filipiniano, foreman ng Net Pacific, Inc., ang kumpanyang nagsagawa ng pagkakabit ng mga camera, ang bawat unit ay tinatayang nagkakahalaga ng P15,000 para sa bullet type cameras na makikita sa mga pasilyo, at P20,000 naman para sa dome type cameras na ikinabit sa loob ng mga silid-aralan.
Tatlong alumni, pinarangalan ng ‘Q’ award
BINIGYANG parangal ang tatlong alumna ng UST kasabay ng kapistahan ni Santo Domingo de Guzman.
Pinangunahan ni P. Rolando de la Rosa, O.P., Rektor ng Unibersidad, ang pagbigay ng nasabing parangal kina Dr. Victoria “Vicki” Belo, Vivian Que Azcona, at Josephine Ty-Chua.
“Ang ‘Quadricentennial Award for Exemplary Service to the University’ ay iginagawad lamang sa Quadricentennial year. Kailangan pa nating hintayin ang susunod na 100 taon [para masaksihan ulit ang ganitong uri ng parangal],” ani De la Rosa.
Nilinaw ni De la Rosa na ang pagbibigay ng parangal sa mga natatanging Tomasino ay ‘di lamang nakasalalay sa mga na nakamit nila sa buhay. Higit pa rito ay ang mga serbisyong inialay nila sa Unibersidad.
Medicine pumangalawa sa board exam
BUMABA sa ikalawang puwesto ang Unibersidad sa listahan ng top-performing schools sa katatapos na physician at physical therapy licensure examinations, habang tumaas sa ikalawang puwesto ang UST sa nursing licensure examinations.
Nagtala ng 99.73 passing rate ang Unibersidad matapos pumasa ang 371 sa 372 na Tomasino na kumuha ng exam sa medisina. Samantala, tatlong Tomasino ang nakapasok sa top 10—mas kaunti kumpara sa bilang noong nakaraang taon.
Pumangatlo sa pagsusulit si Sharlene Marie Lao (87.92 porsiyento), kapantay ang isang estudyante mula sa University of the Philippines (UP)-Manila, habang nakamit nina Caroline Bernadette King Kay (87.58), at Mark Lester Sy (87.50) ang ikaanim at ikapitong puwesto.
Bagong logo design, ibinasura
ISANG buwan matapos umani ng batikos ang bagong UST logo, napagkasunduan ng Council of Regents noong Hulyo 19 na ibalik na lamang ang dating disenyo nito.
Nabuo diumano ang desisyon dala ng mga “kontrobersiyang” lumabas sa Internet laban sa pinakabagong bersiyon ng UST seal, ani Secretary General P. Florentino Bolo Jr., O.P.
Napagpasiyahang patuloy na gamitin ang hugis-kalasag na logo na pinalilibutan ng mga salitang “PONTIFICAL AND ROYAL UNIVERSITY OF SANTO TOMAS, MANILA 1611” na lumilikha ng pabilog na impresyon—ang bersiyong ginamit bago lumabas ang kontrobersiyal na disenyo.
Gamilla, nagbitiw sa Faculty Union
IKINAGULAT ng mga miyembro ng UST Faculty Union (USTFU) ang ‘di inaasahang pagbibitiw sa puwesto ng kanilang pangulo sa general assembly sa Medicine Auditorium noong Agosto 17.
“[Nagbitiw ako] para mabigyan ng pagkakataon ‘yung mga mas nakababata na sila naman [ang mamuno],” ani Gamilla sa isang ambush interview ng Varsitarian matapos siyang magbitiw sa puwesto.
Si Gamilla, na naging pangulo ng unyon sa nakalipas na 15 taon, ay nagbitiw sa gitna ng kontrobersiya sa halagang P9.5 milyon na diumano’y “illegal disbursement” mula sa kaban ng unyon para sa isang housing project.
UST, isa sa ‘Most Trusted Brands’ ng Reader’s Digest
KINILALA ang UST bilang isa sa mga “Most Trusted Brands” ng Reader’s Digest sa ilalim ng kategorya ng mga unibersidad ngayong taon.
Sa isang survey na isinagawa ng naturang publikasyon noong nakaraang taon, nakuha ng UST ang ikalawa sa pinakamataas na bilang ng boto, kasunod ng University of the Philippines (UP). Tanging UP at UST lang ang mga unibersidad sa Pilipinas na pinarangalan ngayong taon.
Noong nakaraang taon, pumangatlo ang UST sa Ateneo de Manila at De La Salle University. Subalit ngayong taon, ‘di napabilang ang dalawa sa listahan.
Campus, idineklarang ‘historical landmark’
ISA NANG “National Historical Landmark” ang buong kampus ng UST.
Ito ay sa pamamagitan ng Resolution No. 5, series of 2011 ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) noong Mayo 24.
Naaayon din ito sa Republic Act (RA) 10086, o ang batas na naglalayong palakasin ang nasyonalismo ng mga Pilipino sa pamamagitan ng kasaysayan ng Pilipinas.
Ayon kay Augusto de Viana, tagapangulo ng Department of History, isinulong niya ang resolusyon na maitanghal ang Unibersidad bilang “national historical landmark” dahil sa “hindi matawarang ambag ng UST sa kasaysayan ng Pilipinas.”
Ayon sa RA 10086, ang isang “national historical landmark” ay isang lugar o istruktura sa bansa na nagkaroon ng malaking ambag sa kasaysayan ng Pilipinas.