BINIGYANG parangal ang tatlong alumna ng UST kasabay ng kapistahan ni Santo Domingo de Guzman.

Pinangunahan ni P. Rolando de la Rosa, O.P., Rektor ng Unibersidad, ang pagbigay ng nasabing parangal kina Dr. Victoria “Vicki” Belo, Vivian Que Azcona, at Josephine Ty-Chua.

“Ang ‘Quadricentennial Award for Exemplary Service to the University’ ay iginagawad lamang sa Quadricentennial year. Kailangan pa nating hintayin ang susunod na 100 taon [para masaksihan ulit ang ganitong uri ng parangal],” ani De la Rosa.

Nilinaw ni De la Rosa na ang pagbibigay ng parangal sa mga natatanging Tomasino ay ‘di lamang nakasalalay sa mga na nakamit nila sa buhay. Higit pa rito ay ang mga serbisyong inialay nila sa Unibersidad.

“UST gave me so much … world-class education and sense of morality,” ani Belo. “Mahal na mahal ko ang UST. Parang pamilya dito sa UST.”

Hinikayat ni Azcona, pangulo ng Mercury Drug, ang mga Tomasino na isapuso ang pamana ng apat na raang taong kasaysayan ng Unibersidad.

“[We must] live up to the legacy of 400 years of the University,” ani Azcona.

Binigyang-diin naman naman ni Chua, ang nagtatag ng Legaspi Corp., na may angking galing ang mga Tomasino.

“Thomasians know the value of appreciation and they work silently toward excellence,” sabi niya.

READ
Dahop sa gintong medalya

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.