Wednesday, May 1, 2024

Tag: Agosto 26, 2011

Civil Law alumni, binigyang-pugay

NAGDAOS ang Faculty of Civil Law, kasama ang UST Law Alumni Foundation, Inc., ng isang salu-salo bilang pagkilala sa mga Tomasinong abogadong naglilingkod sa pamahalaan noong sa Central Seminary Gym noong Agosto 19.

Tinatayang 200 ang dumalo sa nasabing pagtitipon na pawang nagseserbisyo sa piskalya at ilang mga tanggapan sa gobyerno.

“[Thomasian lawyers] perform their duties with dignity and continue to bring honor to UST,” ani Sandiganbayan Justice Oscar Herrera, Jr., pangulo ng alumni foundation.

Gaganapin naman ang isa pang testimonial dinner para sa mga nasa pribadong sektor sa Setyembre 23. RAFAEL L. ANTONIO

Sining bilang pasismo

WALANG kapararakan at nanlulusob. Iyan ang mga salitang naikabit sa “likhang-sining” ni Mideo Cruz na inilagay sa Bulwagang Juan Luna (main gallery) ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Umani ng samu’t saring reaksiyon at opinyon mula sa iba’t ibang sektor ang kolahe ni Cruz na nagtanghal ng mga hindi katanggap-tanggap na mga imahe nina Hesus at Birheng Maria, bukod sa iba pang mga panrelihiyon na imahe at kagamitan.

Una nang nagpahayag ng kanilang saloobin ang mga opisyal ng Simbahang Katolika na nagsabing ang mga gawa ni Cruz ay maituturing na kalapastanganan sa relihiyon at pananampalataya ng nakararaming Pilipino.

Malikhaing krisis sa media

ANG PILIPINAS ba ay isang bansa ng mga manggagaya? Nangangalawang na ba tayo pagdating sa pagiging malikhain? Ang kalidad ba ng ating mga programa sa telebisyon at sinehan ay tuluyan nang bumaba?

Dahil sa aking mga naoobserbahan, isang malaking “oo” ang aking sagot.

Bihira na lang akong magkaroon ng pagkakataong manood ng telebisyon. Ngunit kamakailan lang ay nalaman ko na napakarami nang programa sa mga higanteng TV station ang kadalasa’y ginaya lamang o kinuha ang ideya mula sa ibang bansa. Ang “The Biggest Loser,” “Green Rose,” “Who Wants to be a Millionaire,” “All About Eve,” at “Pilipinas Got Talent” ang ilan lamang sa mga ito.

Hangganan ng pagtulong

NAGING isang normal na pagkakataon na para sa akin ang makakita ng mga pulubing namamalimos sa kalsada. Sa halos apat na taon kong pag-aaral sa UST, nasanay na akong masaksihan ang iba’t ibang mukha ng buhay lansangan dala ng aking pagko-commute paalis at pabalik ng aming bahay.

Bilang pagtugon sa mga ganoong pagkakataon, minsan ay nakikita ko ang aking sariling naghahanap ng baryang maibibigay sa mga namamalimos. Ngunit kadalasan, binabalewala ko lamang ang kanilang paghingi sa pag-iisip na ang kakaunting baryang ibibigay ko ay hindi sasapat para mapabuti ang kanilang sitwasyon sa buhay.

Ang kuwento ng ‘ano’

ANO nga ba ang kahulugan ng salitang “ano?” At ano naman ang ibig sabihin ng salitang “basta?”

Sa pangungusap na “Ano nga ulit iyon? ‘Yung ano… basta yung ano!” na madalas kong marinig at sabihin, sigurado ako na kapag dalawang Pilipino ang nag-uusap at gumagamit ng mga salitang ito ay magkakaintindihan sila bagaman wala itong tiyak na kahulugan.

Ilan lamang ito sa milyun-milyong mga salita at kataga na pinauso ng mga Pinoy. Ang mga ito ay patuloy na dumadagdag sa mayaman at minsa’y komplikadong bokabularyo ng Pilipino.

Blaming schools for wayward graduates

THE CONTROVERSY spawned by a visual art exhibit at the Cultural Center of the Philippines has led to a sort of UST-bashing. Sadly, it came in the wake of the University’s Quadricentennial celebration.

Many people became interested in the exhibit only after television networks had featured it in their newscast. They practically “advertised” it by focusing on a piece of “shock art” that scandalized viewers. By identifying the whole exhibit with this piece, the other more worthy exhibitors were deprived of the recognition they deserved.

Mula kay Mideo Cruz

ON JULY 18, 2011, the ABS-CBN show ‘XXX’ aired a complaint from a certain “Rowena” about a supposedly “blasphemous” exhibit item at the CCP Main Gallery. Program anchor Pinky Webb introduced the work as part of the ongoing media coverage about the RH bill protest. She said in effect that some works go above freedom of expression by insulting the images and beliefs of the Catholic Church.

Sining ng kinabukasan

ANG SINING ay medyum upang ipahiwatig ang ating nararamdaman sa mga bagay na nakapalibot sa ating buhay. Maraming uri ng sining: pagsusulat, pagsayaw, pagkanta, pagarte, pagpinta, iskultura, at marami pang iba.

Sa panahon ngayon, maraming sining na makabago at kakaiba na nagsisisulpuntan sa iba’t ibang dako ng mundo at mga paraan upang maisagawa ito.

Sa visual arts, maraming kakaibang sining ang naisasakatuparan. Mayroong pinagsasama ang pagpinta at iskultura, may street art, installations, may video na, at marami pang iba.

Taong ‘1984’ sa UST?

NANG isulat ng nobelistang si George Orwell ang kathang Nineteen-eighty Four, hinulaan niya na ang kaniyang lipunan ay pamamahalaan ng isang totalitaryong gobyerno na magdudulot sa pagkawasak ng sangkatauhan. Hindi man naabutan ni Orwell ang taong 1984 na hinulaan niyang hudyat ng pagkawala ng moralidad at dignidad ng mga tao, hindi naman ito naging kawalan sa kaniya sapagkat hindi ito nagkatotoo.

Ngunit ilang dekada ang nakalipas at tila isang “Orwellian” na lipunan ang umuusbong sa ‘di kalayuan. Ang mga mga kathang-isip ni Orwell tulad ng mga “telescreen,” “thoughtcrime” at ang pagsiklab ng “Big Brother” ay unti-unting lumalabas sa mga pahina ng kaniyang nobela at nagkakatotoo na rin dito sa loob ng UST.

Mga estudyanteng nabuntis, hindi nagagabayan?

Mabigat na kasalanan man ang pagbubuntis sa labas ng Sakramento ng Kasal para sa Simbahang Katolika, isang alituntunin ng Unibersidad ang bigyang kalinga ang isang estudyanteng nagdadalang-tao.

Sinasabi sa Student Handbook na ang Unibersidad, sa pamamagitan ng pagtutulungan ng regent, direktor ng Health Service, Student Welfare and Development Board (SWDB), guidance counselor at mga magulang ng mag-aaral, ay susuportahan ang estudyanteng nabuntis sa pamamagitan ng pagbibigay ng gabay at tulong pangkalusugan.

Nagsisimula pa lamang si Maria Flora (hindi totoong pangalan) sa pag-aaral sa Unibersidad nang mapilitan siyang magpasa ng leave of absence dahil sa hindi inaasahang pagdadalang-tao sa kaniyang unang semestre.

LATEST