KINILALA ang UST bilang isa sa mga “Most Trusted Brands” ng Reader’s Digest sa ilalim ng kategorya ng mga unibersidad ngayong taon.
Sa isang survey na isinagawa ng naturang publikasyon noong nakaraang taon, nakuha ng UST ang ikalawa sa pinakamataas na bilang ng boto, kasunod ng University of the Philippines (UP). Tanging UP at UST lang ang mga unibersidad sa Pilipinas na pinarangalan ngayong taon.
Noong nakaraang taon, pumangatlo ang UST sa Ateneo de Manila at De La Salle University. Subalit ngayong taon, ‘di napabilang ang dalawa sa listahan.
Kinilala rin ng Reader’s Digest ang ilang mga kompanya at organisasyon bilang “most trusted brands” sa mga kategorya ng finance, telecommunications, services, property developer, TV network, hospital, eye center, retail, household products, at iba pa.
Binigyan ng Reader’s Digest ng gold at platinum recognition ang mga nanalo. Ang mga brands na may malayong agwat kaysa ibang nominado ay nagkamit ng gold recognition at iginawad naman ang platinum recognition sa mga brands na may tatlong beses na mas malaking nakuhang boto kaysa iba.