ILONGGO, Bikolano, Cebuano, Batangue?o, Ilokano, Waray—ilan lamang ang mga ito sa 175 sinasalitang lengguwahe sa 16 na rehiyon sa bansa.

Ngunit, diyalekto ba ang mga ito o wika?

Dahil sa kakulangan sa paghahatid ng tamang kahulugan, mali ang nakagisnan nating pagkilala sa mga lengguwaheng ito bilang “diyalekto.”

Kung susuriin, tumutukoy lamang sa pagkakaroon ng iba’t ibang bersiyon at paraan sa pananalita ang isang diyalekto. Halimbawa nito ang kapansin-pansing pagkakaiba sa pagsasalita ng Tagalog. Malambing itong sambitin ng mga Ilonggo, mahinhin ng mga Bikolano, at pasigaw naman o pagalit ng mga Batangue?o at Ilokano.

Ito ang depinisyon ng diyalekto: natatanging paraan ng pananalita ng iisang wika. Tinutukoy lamang nito ang pagkakaiba-iba sa punto, diin at pagbigkas.

Ibang-iba ito sa kahulugan ng wika.

“Wika” ang tawag sa isang lengguwahe kung mayroon itong sistema sa pagbubuo ng tunog (ponolodyi), ispeling (morpolodyi) at pangungusap (sintaks). Binubuo ito ng mga salita para sa komunikasyon ng mga tao.

Naipapakita ng mga lengguwahe sa bansa ang mga sistemang ito sa pamamagitan ng iba-iba nilang paggamit sa mga salita.

Tulad na lamang ng paggamit sa salitang “maganda.“ Isinusulat o binibigkas ito bilang “maganda” para sa mga Tagalog, “magayon” sa mga Bikolano, at “matahom” sa mga Cebuano.

Ginagamit naman ang salitang “mabilis” bilang “mabilis” din sa Tagalog, ngunit “makaskas” sa Bikol, at “paspas” sa Cebu.

Hindi dahil ginagamit ang mga lengguwahe sa isang barangay, lalawigan, probinsya, o rehiyon, nangangahulugan na hindi na ito wika.

Dahil nakapagbibigay ng mga sumusunod na sistema ang mga lengguwaheng nabanggit, hindi ito dapat kinikilala bilang diyalekto. Wika ang dapat itawag sa 175 sinasalitang lengguwahe sa bansa.

3 COMMENTS

  1. Wika o diyalekto?

  2. 1.Wika ang ginagamit natin sa pakikipagtalastasan. Sa pamamagitan nito ay naipapahayag natin ang ating saloobin at kaisipan. Sa pamamagitan din nito nalalaman natin kung ano ang gustong ipahiwatig ng ating kapwa. Nagkakaintindihan at nagkakaunawaan ang bawat isa sa pamamagitan ng paggamit ng wika.

    2.Ang wika ay sadyang napakahalaga. Ito ang nagbubuklod sa bawat tao hindi lamang dito sa Pilipinas kundi maging sa mga ibang bansa rin.

    3.Sa pamamagitan ng wika kaya nagkakaunawaan at nagkakaroon ng madaling komunikasyon ang bawat tao kundi pati na rin sa mga karatig bansa nito.

    4.

    • Ang wika ay kaluluwa ng isang bansa at salamin ng lipunan
    • Sagisag ng pambansang pagkakakilanlan
    • Ang wikang pambansa ay siyang susi sa pagkakabuklod-buklod ng damdamin at diwa ng mga mamamayan
    • Sa pamamagitan ng mga salita nagkakaunawaan ang mga tao
    5.Nakakapagkomunikasyon sa iba at nasasanay tayo sa gramatika
    sa sarili
    sa kapwa
    sa lipunan

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.