Umaambon na lamang,
sa lilim ng mga ulap,
tila espongha ang mga puno,
sagad sa hangganan
Ang mga patak ng ulan
ay sasalain ng mga dahon
marahil puro at pino na ito,
samakatwid ay dalisay.
Sila ay huli na,
Iwinasiwas ng hangin,
luntiang talulot,
sa luoy na sampaga.