A former Varsitarian literary writer bagged this year’s Rector’s Literary Award (RLA), the most coveted award in the 36th Gawad Ustetika, the country’s longest-running campus literary derby.
Hailord Lavarias’ work, “Umiiral: Mga Tula” was the personal choice of UST Acting Rector Fr. Isaias Tiongco, O.P. from among the first-prize Ustetika winners.
Aside from the RLA, Lavarias also bagged the second prizein Poetry for “Afternoon: Poems.”
“Umiiral: Mga Tula” was the first-place winner in the Tula category.
Lavarias said winning the RLA was not his primary goal in joining the Ustetika, adding that he just wanted to express his message through poetry.
“When I was writing my piece, it was unexpected, kasi may isa akong piece na very controversial, in which [some lines] said ‘pagngatngat/sa rosaryo,’” Lavarias, now a UST Civil Law student, told the Varsitarian.
“Until now, hindi ako makapaniwala, kasi kapag tinitignan ko ang mga dating nanalo ng RLA, nakakabilib talaga sila,” he added.
The RLA is awarded to literary pieces that best embody UST’s Catholic vision and character.
Lavarias said “Umiiral: Mga Tula” was based on the Filipinos’ everyday, ordinary lives—inspired by the 36th Gawad Ustetika’s special theme, “Pananampalataya, Pagkamakatao, at Diwang Filipino” (Faith, Humanism, and the Filipino Spirit).
“Mayroong tula tungkol sa ordinary office worker, o kaya ang sacrifice ng mothers in taking care of the household, at mayroon tungkol sa kasambahay, sa cook, sa mentally unstable at less fortunate fellow Filipinos,” he said.
Lavarias said it was difficult to think creatively under lockdown, a time of anxiety and stress.
“Medyo draining at medyo nakakawala ng motivation dahil wala kang nakakausap, walang nagmo-motivate sa iyo na patuloy kang magsulat,” he said.
Still, he encouraged young writers like himself to continue their craft and unleash their creative juices even amid the Covid-19 pandemic, as a way of self-expression and to connect with other people.
“Mayroon tayong dapat pinaparamdam sa tao, dahil iyon talaga ang goal ng writing: to connect us to the readers. Not only to superficially connect, ngunit para mapaisip sila, makaramdam sila o mapahinto nang kaunti at mag-isip tungkol sa buhay.”
The virtual awarding rites of the 36th Gawad Ustetika was held on March 20.
Read the RLA-winning piece below:
UMIIRAL: MGA TULA
ARAWAN
Maalikabok na bintana ang pumapagitan
sa araw at sa kaniyang mga mata.
Kasabay ng pagsikip ng kalsada
ang unti-unti niyang pagkahilo
sa iba’t ibang amoy ng pabango.
Hindi rin magtatagal at masasaid na
ang katiting na espasyong
lagi niyang itinitira.
Ibubulong ng pasensya:
Kailangan din niyang kumita.
Pabagal na nang pabagal
ang usad ng biyahe.
Kaya kung makakaya,
saglit siyang makakaidlip.
Kung papalarin, maisisingit
ang mabilis na panaginip.
Wala nang lugar ang pag-aalala,
kabisado niya na kung kailan
dapat magising.
Kasabay ng paghingi
ng paunmanhin sa balikat
ng estrangherong nagawa
siyang tiisin.
Agad-agad na maghahanap
ng itinabing barya sa bulsa,
kasimbilis ng kaniyang pagbaba
sa gitna ng nag-iinit na kalsada.
At kahit dama niya ang inis
sa sunod-sunod na mga busina
ng kasunod nilang sasakyan,
matagal na siyang nilisan
ng inipong pakialam.
SARSA
Hindi nagalaw na hapunan ang nagdaang mga araw.
Inabot na ng lamig
ang init na paulit-ulit na hinanda
para lamang sa inyong
mga dila.
Maging ang mga langgam, naunahan na kayo
papunta sa namuong
sarsa.
Hinahanap na rin ng hapag
ang minadali ninyong mga dasal.
Pero hindi ko magawang ayain kayo,
dahil lagi ninyong sigaw dati:
kakain kayo kung kailan gusto ninyong kumain.
Kahit sa umaga,
nandoon pa rin ang lahat ng hindi ninyo
sinubukang lunukin kagabi
o kailanman.
Hindi nagalaw na mga araw ang nagdaang hapunan.
NABIBILANG
Kung gusto mong sukatin
ang lahat gamit ang
iyong katawan,
Hubad.
Walang dapat matira
kundi ang balat.
Unahin ang iyong kama.
Iliyad nang husto ang mga braso,
sukatin ang haba ng isang dulo
papunta sa isa pa,
tantsahin ang katabi mong pag-iisa.
Bumaba’t isunod ang hapag-kainan.
Sukatin ang lawak ng bilog.
Dumapa sa itaas, dapa kung dapa.
Papakin ang natitirang hiya.
Saka ka tumungo sa banyo,
alamin kung ilang tabo
ang kailangan para mabasa
ang tuyo mong katawan.
Saksihang kasamang umaagos
ng tubig ang lahat ng taong
tinuturing mong lintik.
Siguraduhing gawin ito sa lahat
ng parte ng iyong bahay
na maaaring masukat.
Pagdating sa dulo, makikitang hindi
kailanman sasapat ang araw para
sa katawan. Ngunit hindi kailanman
sasapat ang iyong katawan
para sa kalawakan.
Kaya sa huli, huwag kaligtaang
magsukat ng milya-milyang
pagpapatawad.
HUGASIN
Batid niyang hindi katulad
ng ordinaryong araw
ang araw na ito dahil
babasagin ang mga platong
ipinahilera sa kaniya sa mesa.
Maya-maya, isa-isa na
silang magdadatingan.
Silang kilala niya,
pero walang kaalam-alam.
Ang ilan, agad na didiretso
sa may kusina.
Titikim, magmamagaling
sa anong kulang na sangkap.
Sa harap ng kalan,
nag-uumpisa ang tsismisan.
Habang ang mga mistulang
lobo ang tiyan, magkukumpol sa gilid.
Manghihingi ng mesa,
ng ilang piraso ng yelo,
ng paunang pulutan.
Umpisa na ng mahaba-habang kuwentuhan.
Magsisipagyabangan na naman sila
ng sari-sariling mga anak.
Ilan, ano ang natapos,
kung sinong hindi matapos-tapos.
Kaninong tiyan ang maagang bumilog,
sinong pakawala, o hindi pa nakama.
Hindi pa hinahatid sa altar
o sa walang karapatang maihatid.
Tutungo sa kung sinong kumuha ng ano,
kung salot ba ang ipinaglaban nino.
Pakana ang lahat ng hindi pabor.
Ilusyon ang krisis. Walang pangalawang tsansa
ang nabigyan na. Iboboto pa rin nila.
Tatagal ang lahat ng ito hanggang ang dala-dala
nilang mga apo ay nahihimbing na
sa iba’t ibang mga kuwarto.
Sa kanilang lahat, siguradong may isang
mag-iinit ang ulo, senyales ng ilan para
kalabitin ang asawa at ayaing umuwi.
Ngunit hindi rito natatapos ang gabi.
Isa-isang maglalabas ng malalalim na sisidlan,
at kukuha ng mga tira-tira.
Walang puwang ang natitirang hiya.
Hanggang sa isa-isa na silang magpapaalam,
at papaunti na nang papaunti ang mga ilaw
na nakabukas sa loob ng bahay,
habang siya’y nagliligpit ng mga kubyertos,
baso’t plato sa may kusina.
Kay bigat pa rin nila kahit wala
nang lamang tubig o butong
tira-tira, kung maaari lang
sanang mahugasan
ang mga salita.
DEBOTO
Hindi na tinatablan ng dasal
ang kumakalam niyang sikmura.
Higit na sa bilang ng mga misteryo
ang mga tanong tungkol sa kung
bakit kailangang ganito pa.
Ilang santo ang pinilit siyang pakinggan,
ilan naman ang nagbingi-bingihan.
Madalas din kung makita niya
ang birhen sa mga lalaking dumadaan.
Ngunit hindi niya sila magawang tawagin,
ilang aparisyon na rin ng suntok
ang nagawa niyang harapin.
At kahit laging bukas ang pinto ng simbahan,
matagal niya nang nakalimutan
ang daan.
Kaya ngayon ang pagtingala
sa langit ang tanging
sumasalba sa kanyang isip,
at ang pagngatngat
sa rosaryo ang sa kanya’y
nagpapaidlip.