Mamamahay muna ako sa iyong pangako:
Isang pamilyar na silid kung saan tayo minsan nang
nagtalik.

Iisipin kong nandun ka lang sa banyo,
Pinababango ang dapat na maging mabango.

Mas nakakasabik ang maghintay, sabi mo.
Maari din, ngunit umaalimuom na ang lamig

At namumuo,
Namumuo ang mga pawis sa salamin ng bintana

At ang mga tuyot na talutot ng rosas
Ay nalalagas sa mga buntong-hininga.

Montage Vol. 9 • February 2006

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.