Ako ang kaulayaw ng gabi na bumangon mula sa alabok
upang gahasain ang iyong pananaginip.

Hindi ka makatatakas sa ating taguan. Babasagin
ng hamog ang nakapinid mong bintana
upang gambalain ang mahimbing mong pagtulog.

Babasbasan ng libu-libong bulalakaw ang nananamlay na
gabi, ngunit hindi upang dinggin ang mga pagsamo mo o bigyang ningning
ang madilim mong kuwarto, kundi upang pag-apuyin ang hungkag mong
kalangitan.

Pagsapit ng hatinggabi,
ako’y bababa mula sa pagkakabigti. Bubulabugin ko ang iyong
pagtulog.

Hindi mawawakasan ng lubid ang
aking kamandag.

Montage Vol. 9 • February 2006

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.