ITO NA nga.
Sa loob ng halos tatlong taon, ilang libong salita at ilang kuwento na ang nagdaan sa mga kamay ko. Ngunit sa pagkakataong ito, tila napakahirap isulat ang mga salita at kuwentong nagbigay-halaga at nagturo sa akin ng totoong kahulugan ng buhay.
Sa dami ng mga kuwento kong hinanakit, kasiyahan, at kalungkutan sa ‘V’ tila mauubusan ng tinta at papel ang Publishing House. Ngunit susulitin ko na. Ito na nga ang huling kolum ko para sa pinakamamahal kong pahayagan, ang Varsitarian.
Sa ‘V’, hindi ko inakalang maaabot ko ang ilang pangarap. Mula sa libo-libong Tomasino, iilan lamang ang pinagpalang maranasan ang masalimuot na mundo ng pamamahayag at malikhaing panulat. Ngayong mamamaalam na ako, mahirap pa ring pakawalan ang mga alaalang nabuo at mga pinagsaluhang samahan:
Shar, Jason, Glaiza, Elaine, Rheeno, Cam, Angelo, Bimbo, Icy, Karla, Julie, Marlene, JT, Anne, Palo, Ruby, Rica, Kat, Erick, Nat, Jeff, at Reagan, marami pang mga pagkakataon. Manatili kayong masaya at patuloy na mangarap.
Ryan, Rupert, Richard, at Nicole, binigo n’yo man ako, hangad ko pa rin ang inyong tagumpay.
Emili, Rose, LJ, Bernadette, Cze, Kris, Llanesca, Lawrence, Giselle, at Brian, panindigan n’yo sana ang pinasok n’yong hamon dahil kabilang na kayo sa mga pinagpala.
Tina, Cha, Libay, Mikoy, Nick, Deni, at Elka, muli na naman tayong mapapasabak. Magtagumpay sana tayong lahat sa ‘tunay na mundo.’
Eldric at TL, salamat sa mga pangungulit, pangungutya, at pagtitiwala.
Sir Christian, Sir Adrian, at Sir Ipe, salamat sa mga munting kuwentuhan at paalala.
Taz, isa kang anghel.
Sir Lito, hindi mabubuhay ang ‘V’ kung wala ka, ang nag-iisang hari sa mundo ng mga pinagpalang gaya namin.
Sa inyong lahat, paalam. Babaunin ko ang mga kuwento, masasaya man o hindi, sa aking paglalakbay.
***
At siyempre, hindi ko maaaring kalimutan ang mga taong nanatili sa aking tabi anuman ang mangyari.
Kina Lola at Mama, binuhay n’yo ako. Maraming salamat sa mga sermon, paalala, at pabaong pagkain.
Kina Marc, Matthew, at Marrion, at sa buong pamilya ko, salamat sa walang kapagurang suporta. Susubukan kong hindi kayo mabigo sa mga pangarap n’yo sa akin.
Kay Malaya, salamat sa walong taong linggo-linggong pangungulit at masasayang tawanan.
Kay Natz, ikaw ang buhay ko.
***
Nais ko palang pasalamatan ang mga reviewer ng UST College of Nursing na sina Prof. Cortez, GuanHing, Ignacio, Cantuba, Barcelo, Llanes, Famorca, Beltran, Villarama, Olayres, at Tionko. Sa nalalapit na Hunyo, darating na ang pinakamabigat na hamong haharapin ko. Natatakot man, susubukan kong hindi mapahiya.
Tomasino ako, anuman ang mangyari.
Hindi ko pala malalagpasan ang lahat ng ito kung hindi dahil sa Kanya. Salamat po sa mga ipinagkaloob Ninyong pagmamahal at kakayahan. Huwag po sana Kayong magsawa sa pagtulong sa akin.