Kahindik-hindik ang mga unang tagpo ng umaga ng Mayo 31. Inalmusal ng libu-libong Filipino ang sana’y maluwalhating pagliligtas sa batang si Dexter Balala, 4, mula sa kamay ng hostage-taker nitong si Diomedes Tulvo, 35. Nang hindi na malunasan ng magandang usapan ang lahat, isang teledrama ang lumapag—sinugod ng mga kawani ng pulisya ng Lungsod Pasay ang suspek at pinagbabaril. Hindi rin nakaligtas ang bata sa bagwis ng bala. Ayon sa mediko-legal na isinagawa sa mga labi ni Dexter, ang balang tumagos sa kanyang atay ang siyang kumitil sa kanyang buhay. May limang tama ng bala si Dexter.

Nagngingitngit ang taumbayan sa kinasadlakan ng batang walang-malay. Nauna pang nanlambot ang mga pulis kaysa kay Tulvo, ayon pa sa ilan. Isang buhay na naman ang nasayang. Hindi na natuto.

***

Ganito pala ang magpaalam. Kaya’t bago pa man lumapot ang lahat, sisimulan ko na ang mga habilin at pasasalamat.

Kina Reyann at Jayme, aking mga nakasalo sa malungkot at nakapangingilabot na daigdig ng pamatnugutan, ipinagmamalaki ko ang makasama kayo. Buo ang aking paniniwala na magtatagumpay tayo sa kabila ng lahat! Kina Leah at Lynda, mga kasamahan ko dati sa Filipino, salamat sa pagiging totoong mga kaibigan. Gayundin kina Ate Karen na masarap gumawa ng banana cake, kay Bennet at Irish, at kay Meggie, na kalahok ngayon sa Mutya ng Pilipinas. Ang layo na ng narating natin! Galingan mo, Meg, nang magkatotoo naman ang ating mga pangarap. Huwag ka lamang maghuhubad kapag artista ka na. Kung ikaw man ay madapa, muli kang tumayo, at pagbutihin ang paglalagay ng concealer sa iyong mga galos.

READ
The sounds of literature

Kay Lyn, na binagyo nang binagyo sa nagdaang araw, maniwala ka sa iyong sarili, at magtagumpay. Para saan ba ang pag-aaral nating lumangoy kung hindi ka tatalon sa karagatan ngayon? Kina Ron, Ace at Darrell, salamat din sa lahat ng mga alaala.

At huling-huli, para kay Stephen Roy, salamat sa pang-unawa sa mga sinasabi at hindi ko sinasabi ngayon. Hangad kong palagi ang iyong kaligayahan. Salamat, salamat talaga.

***

Kay Paul, palagi kong hahanapin ang iyong pagiging bata at bata-isip. Patuloy kang maniwala sa iyong mga pangarap. Salamat sa iyong pagpapahalaga sa amin.

Kina Dexter at Christian (ayan, Christian na ha). magtulungan kayo palagi. arugain at mahalin ninyo ang V. Kay RJ, magaling ka at maniwala sa iyong kakayahan. Marami ka pang mararating, at makakamit, tulad ng isa pang Palanca. Kina Shiela at Lea, galingan ninyo at patuloy na mangahas. Kay Marisse, salamat sa iyong mga tulong. Hinding-hindi ko kalilimutan ang lahat. Kay Myra, kahit anong sabihin nila, dapat ikaw talaga. Iyon lang. Salamat sa pagtitiwala, at pakikinig. Gayundin kay Steph. Kay Hector, salamat sa mga gabing nakikipagkulitan ka sa akin sa text. Alagaan mo ang iyong minanang Filipino, at ipinagdarasal ko kayo nina Alder at Eldric.

Kay Eldric, hindi ko maaring bawiin ang ating mga pinagsamahan. Hinding-hindi. Malaki ang tiwala ko sa iyo, at hindi kailanman magmamaliw iyon. Galingan mo.

Kay Sir Lito, maraming salamat sa mga pagkakataon. Nauunawaan ko kayo.

Kay Jere, salamat. Huwag mo kaming bibiguin.

***

Kina Ipe, Carli, Ate Bloom at Boyet, salamat sa mga panahong inyong iniukol para kami ay tulungan, na tatanawin namin utang na loob. Salamat, sa kabila ng pag-aakala ng ilan na angst ang ibinubudbod natin sa kape at tsa. Gayundin kay Doc Gerald. Salamat sa inyo. Sa inyo namin natutuhan ang tunay na kahulugan ng pakikibaka. Mabuhay ang ating bagong samahang VACC!

READ
Engineering accredited to Level II

***

Magkukulang ang mga salita kung pasasalamatan ko ang aking pamilya. Madalang na akong maglagi sa bahay dati, ngunit heto na. Tapos na ang lahat.

***

Higit sa lahat, dapat kong ibalik ang nag-uumapaw na pasasalamat sa Diyos na dakila, Siyang Hari ng Katotohahan. Alam naming hindi Mo kami bibiguin.

***

Ang lapot talaga ng pamamaalam. Sige na. Malayo pa ang biyahe. Isara na natin ang telon.

Paalam.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.