Illustration by Rey Ian M. CruzBAHAGI na ng pagtanggap sa mga bagong miyembro ng mga kapatiran ang initiation. Dito, kinakailangan lumikom ng lagda ng baguhang miyembro mula sa mga pinuno ng kapatiran sa pamamagitan ng maayos na pagsasagawa ng mga gawain tulad ng pagsayaw, pagkanta o pagkukunwaring baliw sa harap ng maraming tao.

Dulot nito at ng iba pang mga gawaing kahiya-hiya kaya naghain ng reklamo ang ilang estudyante ng Faculty of Arts and Letters sa noo’y dekana na si Ophelia Dimalanta. Isa ang Artlets sa mga kolehiyo kung saan nagsasagawa ng initiation ang mga organisasyong pang-estudyante.

‘Di naglaon ay naglabas ng memorandum order si Dimalanta na pumipigil sa mga pinuno ng mga kapatiran at organisasyon sa pagsasagwa ng hazing bilang bahagi ng pagtanggap ng mga bagong miyembro. Ipinatupad nito sa fakultad ang Pambansang Batas Blg. 8049 o ang “Anti-Hazing Law” na may layuning alisin ang mapaminsalang kaugalian.

Ayon sa batas, maituturing na hazing ang isang initiation rite sa oras na makaranas ng matinding kahihiyan o magbunga ng pisikal at psychological na pinsala sa isang neophyte ang pagsunod niya sa utos ng kanyang pinuno.

Sa bisa ng Commitment to the Anti-Hazing Law na inilabas ng Office for Student Affairs and Community Service, napabilang sa mga patakaran ng Unibersidad ang Anti-Hazing Law na dapat nang sundin ng lahat ng kapatiran sa UST. Ngunit tumanggi ang mga pinuno ng mga kapatiran na lagdaan ang kasulatan. Anila, hindi sila nabigyan ng pagkakataon na maghayag ng kanilang opinyon ukol dito.

Dahil dito, bumuo ang mga kapatiran ng isang grupo na siyang bumuo ng panibagong panunumpa kaugnay ng batas sa pangunguna ng Aegis Juris Fraternity ng Faculty of Civil Law. Naglalayon ito na malaman ang tunay na interpretasyon ng batas— kung tuluyan na nga ba nitong pinagbabawal ang pagdaraos ng initiation o isaayos lamang ito sa pamamagitan ng pag-aproba ng administrasyon bago ito isagawa.

READ
Fast results, trust in the new system

Napagkasunduan rin na ang konsehong ito ang magiging tagapangasiwa sa pagitan ng mga kapatiran sa pagsasagawa ng kanilang mga proyekto. Sa pamamagitan nito, inaasahan nilang mababago ang pananaw ng mga tao sa mga kapatiran.

Ayon kay Allan Santos, dating grand chancellor ng Alpha Phi Omega, ang bawat bagay na ipinapagawa sa mga neophytes ay hindi puwersahan at may layuning turuan sila ng pagpapakumbaba.

Tomasino Siya

Sinong mag-aakala na isang Tomasinong piyanista pala ang nagdisenyo ng palasyo ng Sultan sa Brunei, ang Istana Nurul Iman?

May sukat na 2.2 million square feet, itinuturing itong pinakamalaki sa mga likha ni Leandro Locsin na nagdisenyo rin ng Tanghalang Pambansa ng Cultural Center of the Philippines, Ninoy Aquino International Airport – Terminal 1 at Church of the Holy Sacrifice sa Unibersidad ng Pilipinas.

Tubong Negros Occidental, nag-aral si Locsin sa UST Conservatory of Music matapos ang ikalawang digmaang pandaigdig dala na rin ng kanyang talento sa pagtugtog ng piano. Ngunit taong 1949 nang magdesisyon siyang lumipat sa arkitektura kung saan siya nakilala bilang Pambansang Alagad ng Sining noong 1990. Sa kabuuan, nakapagpatayo na siya ng 75 na tahanan, 88 na gusali at isang state palace.

Si Locsin ay nagwagi ng iba’t-ibang gantimpala tulad ng Outstanding Young Men Award for Architecture noong 1959, Republic Cultural Heritage Award noong 1970 at Likha Award and Gold Medal mula sa United Architects of the Philippines noong 1987.

Tomasalitaan:

Baklang (png) – mag-anak na mayaman at may dugong bughaw.

Halimbawa: Si Prince Charles ay mula sa baklang angkan sa Britanya.

READ
Admin, faculty, staff join 'Q Retreat'

Mga sanggunian:

The Varsitarian: Tomo LXIX, Blg. 2, Agosto 30, 1996

The Varsitarian: Tomo LXIX, Blg. 3, Setyembre 12, 1996

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.