ITINALAGA ni Pangulong Benigno Aquino III ang dekano ng Conservatory of Music na si Raul Sunico bilang isa sa mga bagong board members ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Kasabay niya sina Jaime Laya at ang arkitektong si Cristina Turalba na tumanggap ng puwesto noong ika-14 ng Agosto. Kasalukuyang pangalawang pangulo at artistic director si Sunico ng CCP.

Si Laya ay dating puno ng National Commission on Culture and Arts at si Turalba naman ay dating guro ng Unibersidad ng Pilipinas (UP).

Nagtapos si Sunico ng kursong musika, matematika, at statistics sa UP. Nakuha naman niya ang kanyang master’s degree sa musika sa Julliard School sa New York, at doctor of Philosophy sa New York University. Darenn G. Rodriguez

READ
Pagmumuni-muni sa mundong palaisipan

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.