Mga alituntunin para sa ika-26 na Gawad Ustetika
1. Tanging mga mag-aaral lamang sa kolehiyo (post o undergraduate) ng Unibersidad ng Santo Tomas na nakapagpatala para sa akademikong taon 2010-2011 ang maaaring sumali.
2. Hindi na maaaring lumahok ang mga nanalo sa pambansa at/o internasyonal na patimpalak pampanitikan.
3. Nahahati ang kompetisyon sa dalawang (2) medium: Ingles at Filipino; at sa mga sumusunod na kategorya: Poetry/Tula, Fiction/Katha, Essay/Sanaysay, at One-Act Play/Dulang May Isang Yugto.
4. Nasa pagpapasya na ng manunulat kung gaano kahaba ang kaniyang ilalahok. Gayon pa man, ang isang lahok sa mga kategoryang Poetry/Tula ay dapat maglaman ng ‘di kukulang sa limang (5) tula. Maaaring bigyan ng collective title ang mga isasaling tula.
5. Dapat gumamit ng pen name sa kopya ng kanilang mga akda ang mga sasali. Sa entry form lamang maaaring ilagay ang tunay na pangalan ng awtor o kung ano pa mang identifying marks.
6. Ang mga likhang dati nang nailathala sa loob at/o labas ng Unibersidad ay ‘di na tatanggapin.
7. Isang lahok lamang bawat kategorya ang papayagan. Gayon pa man, maaaring sumali ang manunulat sa kahit ilang kategoryang gugustuhin niya; dapat ay ilagay ang bawat lahok sa magkakahiwalay na envelope.
8. Ang dapat na laman ng isang envelope ay ang mga sumusunod: limang (5) kopya ng akda, kasama ang orihinal (font: Times New Roman o Arial, font size: 12, double-spaced, sa short bond paper), at soft copy nito sa isang malinis na CD (MS Word format, .doc); kopya ng pinakabagong registration form (UST Form 1) ng awtor, nasagutang entry form, at ang certification of originality na napirmahan ng dalawang (2) propesor sa Ingles o Filipino (matatagpuan ang certification clause sa ibabang bahagi ng entry form).
9. Ipasa ang inyong mga likha sa tanggapan ng Varsitarian, Room 105, UST Tan Yan Kee Student Center, bago o sa ganap ng ikasiyam ng gabi ng Nobyembre 6, 2010, Sabado. Hindi tatanggapin ang mga lahok na kulang sa requirements.
10. Ang mga mananalo ay makakatanggap ng medalya, tropeo, katibayan, at/o salapi.
11. Lahat ng pasya ng mga hurado ay hindi na maaaring baguhin. May karapatan rin silang hindi magdeklara ng mga nanalo kung sakaling hindi matapatan ng mga lahok ang kanilang mga panuntunan.
12. Ang mga lahok ay mananatiling pag-aari ng mga manunulat, ngunit may karapatan ang Varsitarian na ilathala ang mga nanalong akda nang hindi humihingi ng pahintulot sa awtor.