Agosto 10, 6:08 p.m. – OPISYAL nang nakuha ng UST ang Guinness World Record para sa “largest human cross” na isinagawa sa open field noong Marso 9, ayon sa Office of the Secretary General.
Batay sa talaan ng Guinness, ang pangyayaring isinabay sa pagdiriwang ng Ash Wednesday ay nilahukan ng 13,266 Tomasino—lubhang mababa sa naunang tantsa na mahigit sa 20,000 na kalahok.
Tinalo ng UST ang naunang record ng Oslo Red Cross sa Norway na mayroon lamang 935 na kalahok noong Mayo 7 ng nakaraang taon.
Ang “largest human cross” ng UST ay ang ikalawang tangka ng Unibersidad na makakuha ng world record, matapos ‘di tanggapin ng Guinness ang naunang “largest human rosary” noong Dis. 8, sabay sa kapistahan ng Immaculate Conception. Rommel Marvin C. Rio