Agosto 11, 6:24 p.m. – NGAYON ay ‘di na lang mga piling estruktura ng UST ang pambansang landmark, dahil kinilala na ng National Historical Commission of the Philippines ang buong campus bilang isang “national historical landmark.”
Ang pagkilala ay binigyang bisa ng Resolution No. 5, S. 2011 noong Mayo 24. Naaayon din ito sa Republic Act (RA) 10086, o ang batas na naglalayong palakasin ang nasyonalismo ng mga Pilipino sa pamamagitan ng kasaysayan ng Pilipinas.
Ayon sa RA 10086, ang “national historical landmark” ay isang lugar o estruktura na may malaking ambag sa kasaysayan ng Pilipinas.
Maaalalang ang Sampaloc campus ng UST ay naging internment camp noong pananakop ng mga Hapon sa Maynila at naging saksi din sa marami pang pangyayari sa kasaysayan ng bansa.
Noong nakaraang taon, kinilala ng National Museum ang apat na estruktura ng UST bilang mga “national cultural treasures” dahil sa taglay nitong kahalagahang historikal. Ang naturang mga estruktura ay ang Main Building, Central Seminary, Arch of the Centuries, at Grandstand and Open Spaces.
Ang UST ang natatanging paaralan na nagkamit ng titulong “national historical landmark,” habang ang apat na istruktura ang mga bukod-tanging “national cultural treasures” na matatagpuan sa isang unibersidad. Reden D. Madrid
Proud to be an alumna….:) GO USTE!
the silliman u’s website says that su was declared a historical landmark in 2001. ust is not alone in this honor and wasn’t the first either. anyways, congratulations!