Agosto 18, 7:21 a.m. – BUMABA sa ikalawang puwesto ang UST sa listahan ng top-performing schools sa katatapos na Physician Licensure Examination ngayong buwan, ngunit ito naman ang nagtala ng pinakamaraming bilang ng mga bagong doctor mula sa isang unibersidad.
Nagtala ng 99.73 passing rate ang Unibersidad matapos pumasa ang 371 Tomasino na kumuha ng exam. Isa lang mula sa UST ang hindi pumasa.
Samantala, tatlong Tomasino ang nakapasok sa top 10—mas kaunti kumpara sa bilang noong nakaraang taon.
Pumangatlo sa mga topnotchers si Sharlene Marie Lao (87.92 porsiyento), kapantay ang isang estudyante mula sa University of the Philippines-Manila, habang nasungit nina Caroline Bernadette King Kay (87.58%) at Mark Lester Sy (87.50%) ang ika-anim at ika-pitong puwesto.
Noong nakaraang taon, hinirang na top-performing school ang UST at lima sa mga pumasa ang nakapasok sa top 10, kasama ang nangunang si Chitra Punjabi. Ang passing rate noong nakaraang taon ay 99 porsiyento, kung saan 361 mula sa 365 ang mga Tomasinong pumasa sa licensure exam.
Nagtala ng 100 porsiyento ang mga nangunang top-performing schools ngayong taon, ngunit ‘di hamak na mas kaunti ang bilang ng mga kumuha ng pagsusulit mula sa mga paaralang ito. Ang Cebu Institute of Medicine ay mayroon lamang 50 examinees, habang ang UP-Manila ay mayroon lamang 144.
Mas mataas ang national passing rate ngayong taon sa 75.32 porsiyento, kumpara sa 71.27 porsiyento noong nakaraang taon. Sa 2,131 na kumuha ng pagsusulit sa buong bansa, 1,605 lang ang pumasa. B. D. Nicolas
Considering that UST has the largest number of board takers and a passing rate of 99.7% still remains impressive and totally not to my surprise as well. Congratulations!