27 Agosto 2013, 11:23 p.m. –  NANATILING pangalawa ang UST sa listahan ng top-performing schools sa katatapos na physician licensure exams.

Nagtala ng 99.53-porsiyentong passing rate ang Unibersidad, kung saan 427 sa 429 na kumuha ng pagsusulit ang pumasa, batay sa resultang inilabas ng Professional Regulation Commission.

Mas mataas ito kumpara sa 98.71-porsiyentong passing rate (382 nakapasa sa 387 na kumuha ng pagsusulit) noong nakaraang taon.

Apat na paaralan ang nanguna sa listahan ng top-performing schools matapos makakuha ng 100-porsiyentong passing rate: University of the Philippines-Manila, Ateneo de Manila University School of Medicine and Public Health-Pasig, Pamantasan ng Lungsod ng Maynila at Cebu Institute of Medicine.

UST pa rin ang mayroong pinakamaraming estudyanteng kumuha ng pagsusulit at may pinakamaraming pumasa.

Dalawang Tomasino ang nakapasok sa top 10. Nasa ikaapat na pwesto si Timothy Lee Tang Lee Say (88.5 porsiyento) habang nasa ikapitong puwesto naman si Donn Rommel Bernabe (88.17 porsiyento), kapantay si Alvin Christian Borbon ng Cebu Institute of Medicine.

Nanguna naman si Blake Warren Ang (89.42 porsiyento) ng Cebu Institute of Medicine sa lahat ng kumuha ng pagsusulit ngayong taon.

Ito ang ikatlong taon ng Unibersidad bilang pangalawang top-performing school. Huli itong naging top performing school noong 2010 nang magkamit ito ng 99-porsiyentong passing rate.

Tumaas rin sa 82.95 porsiyento ang national passing rate matapos pumasa ang 1,834 sa 2,211 na kumuha ng pagsusulit, mula sa 78.8 porsiyento o 1,684 na pumasa sa 2,137 na kumuha ng pagsusulit noong nakaraang taon. Gena Myrtle P. Terre

READ
Medicine second in board

7 COMMENTS

  1. With 400+ board takers, only two got in the top ten. And no topnotcher at all? This is another lackadaisical performance by UST. Not even 100% passing. The Dominicans should start doing something about this especially regarding lax admission where USTET flunkers are able to enrol in UST because of recommendations by Dominican priests.

    I am not only speaking about UST Med, but in other courses as well. Before UST always tops the boards in all courses. Now, laging abave lang konti ng passing. If UST can’t be a research university or a board exam university, then what kind of university does it plan to be? A mediocre one?

  2. With 400+ board takers, only two got in the top ten. And no topnotcher at all? This is another lackadaisical performance by UST. Not even 100% passing. The Dominicans should start doing something about this especially regarding lax admission where USTET flunkers are able to enrol in UST because of recommendations by Dominican priests.

    I am not only speaking about UST Med, but in other courses as well. Before UST always tops the boards in all courses. Now, laging abave lang konti ng passing. If UST can’t be a research university or a board exam university, then what kind of university does it plan to be? A mediocre one?

    • Mediocre ba ang results? Grabe ka naman, dalawa na nga lang ang bumagsak, gusto mo buong 429 ang pasado. (although maganda talaga yun)
      May mali ba sa system? I think none. You keep on comparing ourselves to other Med Schools’ percentage na hindi pa lalagpas sa 100 ang nagtake. Magaling na dahil nagkaroon ng topnotcher.

  3. For me, the result of the board is exam for the Physician is really superb for UST FMS. Mas nahigitan nila ang dami ng passers from UP PLM, CIM and ADMU.

    • Bitter lang siguro yung nag comment against UST FMS. Baka nga di sya taga-UST nag pre-pretend lang. What does he or she knows? Parang prejudice lang.

  4. what is wrong with 99.53%? with 427 making it out of 429. that is a prc physician record.it will take another century for other med schools to equal or top that.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.