Agosto 20, 9:17 p.m. – PUMANGALAWA ang UST sa mga top-performing schools sa Nursing Licensure Exams noong Hulyo, kung saan nakakuha ito ng mas mataas na marka kumpara noong nakaraang taon.

Nagtala ang Unibersidad ng 99.79 porsyentong passing rate, kung saan isa lang sa 469 na kumuha ng pagsusulit ang ‘di pumasa.

Mas mataas ang porsyentong nakuha ng UST ngayong taon kumpara sa 99.34 porsyentong passing rate noong nakaraang taon, kung saan pumangatlo lamang ang UST sa listahan ng mga top-performing schools sa bansa. Tatlo sa 454 na kumuha ng pagsusulit noong nakaraang taon ang ‘di nakapasa.

Kahit pumangalawa lang sa ranking, mas mataas pa rin ang bilang ng mga bagong nars mula sa UST kumpara sa mga paaralang nakakuha ng 100 porsyentong passing rate.

Ang mga nanguna sa ranking ay ang Cebu Normal University na mayroon lamang 181 examinees, West Visayas State University-La Paz na mayroong 161 examinees, at University of the Philippines-Manila na mayroong 57 examinees.

Samantala, 18 Tomasino ang nakapasok sa top 10 ng pagsusulit.

Nakuha ni Hazel Crisosotomo at Beverly Lynne Ong ang ikalawang puwesto matapos magtala ng 87.40 porsyentong marka, habang ikalimang puwesto naman ang nakuha nina Mary Bianca Dorren Ditching at Channel Pauline Luciano na kapwa nakakuha ng 86.80. Ika-anim sa listahan si Princess Samantha Buban (86.60 porsyento), ika-pito si Amparo Marie Bayongan(86.40), at ika-walo sina Lora Jarabelo at Jan Joel Simpauco (86.20).

Nagtabla naman sa ika-siyam na puwesto sina Paolo Andrade, Maria Katrina Capellan, Emmanuel Debuque, Katherine Flores, at Royce Jasper Ong (86.00 porsyento), habang ika-sampung puwesto naman ang nakuha nina Christine Corintha Almora, Glorai Isabel Baltazar, Ma. Ronaillane Bello, Kelci Mae Francia, at Sarah Agnes Mary Lim (85.80 porsyento).

READ
Nursing registers worst board results

Bahagya namang tumaas sa 48.01 porsyento ang national passing rate matapos makapasa ang 37,513 sa 78,135 na kumuha ng board exams. Noong nakaraang taon, 41.40 porsyento lamang ang national passing rate kung saan 37,679 lang ang pinalad na makapasa sa 91,008 na kumuha ng pagsusulit. Reden D. Madrid

8 COMMENTS

  1. Congratulations College of Nursing and also for the Faculty of Medicine and Surgery! You guys are UST’s saving grace.. The other colleges are just hayzz quite disappointing.. Kayo lang naman matatalino sa eskwelahang yan e. Tsk.. Yung iba.. Nakikisakay na
    lang sa karangalang binibigay nyo..

    • dahan dahan sa pagkokomento kuya/ate. pwede mong purihin ang Nursing at Medicine, na sadyang kapuri puri, but it can be done without insulting other colleges in the University. Hindi nakikisakay ang AB, CFAD, Eng or Archi sa Nursing at Medicine. I guess the problem with this mindset is that you are taking UST by its pieces and not as a whole. Sad. There is only one Pontifical University along Espana and all these colleges are part of it.

  2. Do you know what you are saying? Baka hindi mo alam kung gano kalaki ng contribution ng Thomasian architects, engineers, writers, artists, accountants, and practically all professionals produced by UST sa Pilipinas at sa ibang panig ng mundo. You are plain ignnorant and just basing your statements on board exam results. Sang school ka ba galing? Thank goodness, hindi ka Thomasian.

    • Grabe naman ang strategy no’ng isang yun ano para lang siraan ang UST. Am sure that guy will not even survive UST. I wonder why there are people who seem so negative about UST when in fact the university is doing everything in its power to educate so many Filipinos and is succeeding in doing so by producing the most competent professinals from architects to doctors down to teachers and nurses. It’s obvious that UST is performing so well in every board exam it participates in. This is probably the reason why that guy is trying his best todownplay UST in the eyes of the public by making people believe that it is only UST College of Nursing and the Faculty of Medicine that are excelling in UST. To that guy whose motive is to decieve people about UST’s performance, all I can tell him is, “istoryahe!”

      • er… siguro ang ginagawa ng writer ay ang ipakita ang current situation ng UST pagdating sa nursing exams at sabihin na hindi dapat ganito ang ipakita ng UST dahil isa ito sa mga tinitingalang institusyon pagdating sa medisina… kumbaga, nais itulak ng writer ang UST na mag-top 1 sa mga pagsusulit o ano pang larangan o paligsahang sasalihan ng pamantasan…

  3. I fully agree with you mortified. He obviously aims not to commend UST but rather, to give people the idea that it is only our College of Nursing and Faculty of Medicine that are of high standard at UST. The guy doesn’t know what he is saying. He is plain ignorant about how the other colleges of UST are faring in the board exams. Practically almost all if not all colleges of UST are performing very well in board examinations in which they participate in. Even outside the country Thomasian professionals shine out. Wag nalang sya’ng patulan. Congrats College of Nursing and Faculty of Medicine for your recent triumphs in your respective board exams. Congrats to all the other colleges for all of you are performing very creditably in your respective board exams. The alumni of UST are surely very proud of you all.

  4. Just noticed. From forums ( pinoyexchange.com), to Facebook fan pages to youtube video comments, usually bashers are from Feu, they always try to belittle UST. They usuaally hide as an atenean or from UP, which never happened in the corporate world. I usually dwell with fellow thomasians, Isko/iska, ateneans and lasallians in office, yes there is animosity but the rivalry is just about admu-dlsu in basketball and up-ust cheerdance. In other words healthy competition. Sorry but i have yet to encounter FEU people. Throwing tirades against UST will never make your school better, albeit it makes you and your school dim and ignorant.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.