SA KABILA ng paglapag ng UST sa ika-104 na puwesto sa ginawa ng Quacquarelli Symonds (QS) na talaan ng mga pamantasan sa Asya, hindi nakakuha ng mataas na ranggo ang Unibersidad sa ilang partikular na mga larangan.
Kamakailan lamang niranggo ng QS ang iba’t-ibang unibersidad para sa pagtuturo ng Ingles, ang kauna-unahan ng institusyon, at ng Cybermetrics para sa Internet presence.
Sa larangan ng Ingles, pasok sa Top 50 ang Unibersidad ng Pilipinas (UP) sa ika-34 na puwesto, at ang Ateneo de Manila University sa ika-35 na puwesto.
Samantala, pasok ang De La Salle University sa 51-100 na bracket habang ang UST naman ay sa 101-150 na bracket. Hindi na binigyan ng tiyak na posisyon ang mga unibersidad sa labas ng Top 50.
Ayon kay Marilu Madrunio, tagapangulo ng Departamento ng Ingles, tanging QS lamang ang nakaaalam kung paano nila nakukuha ang mga kinakailangang impormasyon para siguraduhing tama ang kanilang pagranggo sa mga pamantasan.
“We do not really know how these were measured. We do not know how the data gathered were in relation to these variables,” aniya.
Sa pagkakasadlak ng UST sa huling puwesto sa nangungunang apat na pamantasan sa bansa, nangangahulugan bang hindi ito bihasa sa wikang Ingles?
Pinabulaanan ito ni Madrunio at sinabing walang kinalaman ang pagsasalita ng Ingles sa Unibersidad sa resultang lumabas.
“Proficiency does not necessarily present the totality in learning English,” aniya. “It has to include all language discourses of speaking, writing, reading, and listening.”
Dagdag pa ni Madrunio, maaaring naisalamin ang resulta sa kalalabas lamang na world at Asian rankings.
“It has always been that way: UP, Ateneo, and La Salle, then follows UST. It has just been recently that the last two traded positions,” ani Madrunio.
Sa inilabas na 2011 Asian rankings ng QS, pumwesto ang UP sa ika-62 posisyon, sinundan ng Ateneo sa ika-65, ng UST sa ika-104, at ng La Salle sa ika-107. Parehong pagkakasunud-sunod din ang lumabas sa 2010 na world rankings, liban sa nagkapalit ang UST at La Salle.
Para naman kay Joyce Arriola, tagapangulo ng Departamento ng Literatura, makikita ang problema sa tinatawag na bibliometrics, o ang citation na natatanggap ng Unibersidad o ng mga guro nito sa mga akademikong journal at mga pananaliksik.
“If you are published in an Institute of Scientific Information, or ISI journal, there is increased likelihood that you will be cited,” aniya.
Ang ISI, sa ilalim ng Thomson Scientific, at ang Scopus Sciverse ay dalawang Internet journal search engines na ginagamit ng QS para mairanggo ang citations ng bawat pamantasan.
Makikita sa website ng QS na walang marka at antas ang Unibersidad sa citations per faculty and paper. Bukod sa bibliometrics, kasama sa batayan ng QS ang academic review, employer review, student faculty, international faculty, at international students.
Nabanggit din ni Arriola na hindi ganoon kadali magpasa ng pananaliksik sa mga journal sa ISI, kung saan kailangang dumaan ang papel sa dalawang tagasuri, patnugot ng isyu, at sa tagasuri ng balarila.
“Publishing in ISI is very tedious and needs competence of language and quality of discourse aside from the content,” aniya.
Samantala, naglabas naman ang Cybermetrics, isang laboratoryong nananaliksik sa Internet na bahagi ng Consejo Superior de Investigaciones Cientificas na siyang pinakamalaking research body ng Espanya, ng tinatawag nilang “Ranking Web of World Universities” o Webometrics.
Sa inilabas nitong resulta, kasama ang UP (ika-23), La Salle (ika-77) at Ateneo (ika-91) sa Top 100 ng mga pamantasan sa Timog-Silangang Asya, habang hindi naman pumasok ang UST.
Ayon kay Sebastian Raymond Mendoza, katuwang na direktor para sa network operations ng Santo Tomas e-Service Providers, hindi nakasisiguro ang Unibersidad kung paano isinagawa ng Cybermetrics ang pananaliksik nito at kung paano ito kumalap ng mga datos.
Ayon sa website ng Cybermetrics, nakalaan ang 50-porsiyento ng marka sa visibility ng websites ng isang pamantasan, 20 sa dami ng web pages, at tig-15 naman sa rich files at scholar, o mga pananaliksik.
Sa batayang visibility, sinabi ni Mendoza na maaaring dahilan ang kawalan ng sentralisasiyon ng mga web pages ng Unibersidad.
“Kung mapapansin mo, puro news at announcement ang makikita sa ust.edu.ph at kakaunti lamang ang mga external links ng iba pang mga websites ng UST,” wika niya.
Ngunit idiniin ni Mendoza na kung batayan ang mga mapagkukunan ng impormasyon ng Unibersidad, ang websites ng Miguel de Benavides Library at UST Museum of Arts and Sciences ay ilan sa mga angkop sa pamantayan.
Idinagdag niya na napakaraming websites ng Unibersidad at maaaring hindi ito tuwirang napansin ng gumawa ng pagsasaliksik, dahil sa hindi lahat ng ito ay matatagpuan sa pangunahing website ng UST.
“Hindi lamang dapat nila tinignan ang mismong website ng UST dahil kumbaga’y napakarami nitong sanga na baka malula pa sila kapag nakita [ang mga websites na ito],” ani Mendoza.
Paglinang sa sistema
Ayon kay Arriola, patuloy nilang hihimukin ang mga propesor na maglathala ng mga pananaliksik sa mga journal na sakop ng ISI.
“Now the problem is when a faculty will send to a local or an international journal that is not ISI. Our teachers should start looking for a journal recognized by [the institute],” wika niya.
Maglulunsad din ang kaniyang kagawaran ng mga taunang colloquia, mga komperensiya at workshops para sa mga guro. Bukas din sila sa ideya ng pagpapadala ng mga guro na nais mag-aral sa kanilang disiplina sa ibang bansa.
Ayon naman kay Madrunio, malaking tulong ang pagkakabuo ng kanilang departamento mula sa dating Departamento ng Wika upang mas lalo nilang mapagtuunan ng pansin ang pananaliksik.
Dagdag niya na isa pang makalilinang ng Ingles ang pagkatatatag ng bagong programa sa Faculty of Arts and Letters na AB in English. Ito ay makatutulong sa pagkakaroon ng vertical alignment, o ang pagkakahanay ng pinag-aaralan sa kursong ituturo matapos ang programa, na siya ring makalilikha ng pundasyon pagdating sa Graduate School, aniya.
“Right now, we [also] have master’s degrees and doctorates in English in the Graduate School that will vertically align with AB in English,” aniya.
Idinagdag ni Madrunio na may darating na isang guro mula sa Estados Unidos sa Setyembre na makatutulong din sa paglinang ng Ingles ng mga Tomasino.
Ayon sa kanya, pinagbigyan ng US State Department sa Washington, D.C. ang kanilang kahilingan sa pamamagitan ng embahada ng Amerika sa bansa na magpadala ng isang English language fellow na mananatili sa Unibersidad ng sampung buwan.
“She will help us to strengthen the English language program in the University. She will be teaching basic English in AB English and in the College of Education hopefully this summer,” ani Madrunio.
Sinabi naman ni Arriola na aayusin din nila ang kasalukuyang kurikulum at magpapakilala ng mga kursong kaugnay ng literatura sa Graduate School.
Magsasama rin sila ng mga kurso na sa palagay nila’y makatutulong sa pagpapaunlad sa mga kakayahan ng mga estudyante, tulad ng mga area courses.
“We will also encourage them to study master’s degrees and doctorates in the Graduate School, which are more issue-based and research-oriented,” aniya.
Mahalaga pa rin ang ugnayan ng UST sa iba pang unibersidad na may departamento ng Ingles, ani Madrunio.
“To be included in the top 150 of the best English-teaching universities in the world is already something that we will have to be happy with but we should not be contented with it,” aniya.
because most of the students’ knowledge in the language learned in elementary and high school is insufficient. today’s basic education is becoming less and less rigorous due to budget cuts, student population, etc.
may i suggest that the general education curriculum of UST be revised to put emphasis in the English language. an English enrichment course should be taken by all freshmen (regardless of course and major) that will focus purely on grammar, usage and vocabulary. this will be in addition to the existing freshman course (English 101A). there will be some overlaps or redundancies in the topics but i believe repetition can help in the learning process. a textbook similar to Raymond Murphy’s English Grammar in Use may be used for the enrichment program. this is the same text used by some major English training centers such as Berlitz International.
i graduated 9 years ago. i remember how i disliked all of my English subjects in college because of my weak background in the language. but when i started to work, i realized how important it is in communicating with my co-workers who are based in the US and Japan. sometimes, promotion is based on how well you speak and present your ideas rather than how proficient you are in your specific fields (in my case, computer science).
it’s about time the university recognize this need and do something about it.
Nitong nakalipas na 2011 UAAP Cheerdance Competition, may dalawang babae na kasama si Boom Gonzales bago ang performance ng Salinggawi Dance Troupe. Boom asked kung ano ang ipinagdiriwang ng UST sa kasalukuyan. Sabi ng 2 babae, “quadricintinyal” raw. The last time i checked the dictionary, I found out that the correct pronunciation is http://www.merriam-webster.com/cgi-bin/audio.pl?centen04.wav=centennial so alam na kung talagang mahina ang mga Tomasino sa Ingles.
Kung nangunguna sila sa kagalingan at kalinangan sa pagsasalita ng Ingles ang ibang Unibersidad ng bansa, hindi naman hamak na nangunguna ang UST sa pangangalaga, pagtuturo, at pagsasabuhay ng mga magagandang asal at pag-uugali. Hindi bale basta ang mga mag-aaral ay natututo sa mga aral at turo ng Simbahan kay Kristo, yan ang pinakamahalaga. Kaya nga UST, Katoliko at Maharlikang Unibersidad!!! Hindi ako UST student pero ang mga propesor ko ay ng-aral sa nasabing Unibersisdad.
I find this true since I had a number of students who were admitted in the University even if they had below-average proficiency in English. I was then wondering if the University had lowered down her standard. Students must be finely screened considering their written and oral communication skills. 🙂
Anyway, the worse thing had happened. Whether the data are valid or not, the challenge is still there. The case is left for the English teachers to solve. 🙂
Generally, a big number of the studentry is not proficient in English. I don’t understand why the admin keeps on denying this. Ako nga naeengotan sa English ko tapos may makikilala pa kong mas engot pa sa kin sa Faculty of Eng’g. Susme. Level up my beloved UST!