HINDI man sapat ang bilang ng mga guidance counselors sa UST, natutugunan naman nila ang pangangailangan ng mga Tomasino.

Ito ang sinigurado ni Lucila Bance, pinuno ng Guidance and Counseling department ng Unibersidad.

Sa kasalukuyan, mayroong 41 na guidance counselors ang Unibersidad kung saan ang isang guidance counselor ay tumutugon sa bawat 1,200 na mag-aaral sa UST.

“In terms of the ratio of the students with guidance counselors, it is not actually enough,” ani Bance. “The prescribed is 1:500 although we are able to meet this in [UST] High School.”

Aniya, mas kinakailangan ng mga mag-aaral mula sa high school ang patnubay ng guidance counselors kumpara sa mga nasa kolehiyo dahil sa pagiging mas mature nito.

Hindi man akma ang bahagdan ng guidance counselors sa mga mag-aaral sa Unibersidad, ang UST naman ang may pinakamalaking bilang ng mga guidance counselors sa mga paaralan sa bansa.

“We have the biggest number of guidance counselors because we also have a big number of students,” ani Bance.

Mayroong pitong guidance counselors sa Faculty of Engineering, ang may pinakamaraming bilang ng mag-aaral sa UST.

“Magagaling kasi ang ating mga guidance counselors [at] talagang multi-tasking sila kaya lang nahihirapan sila at hindi talaga masubaybayan ang bawat mag-aaral,” aniya.

Ngunit napatunayan naman ng exit survey na “very satisfactory” pa rin ang pagganap ng mga guidance counselors pati ang mga serbisyo at programang ibinibigay ng nasabing departamento, ayon sa pagsusuri ng mga mag-aaral at ng Office for Faculty Evaluation and Development (OFED).

Ayon kay Bance, hindi rin sila maaaring magdagdag nang magdagdag ng mga guidance counselors dahil kinakailangang tiyakin ang ng sapat na espasyo sa mga kolehiyo.

READ
Baby tooth

Isyu ng pagpapakamatay

Maraming aspeto ang maaaring maging sanhi kung bakit naiisipan ng iba na magpatiwakal, ani Bance.

“Kapag nakilala ng isang tao ang kanyang sarili at siya ay naging acceptable sa ibang tao, hindi siya mag-iisip nang [pagpapakamatay],” ani Bance.

Kinakailangang makipagtulungan sa mga malalapit na kamag-anak at kaibigan ang mga taong may suicidal tendencies, aniya.

“We have to work hand in hand with the significant persons in the life of students because those who commit suicide mostly [came] from dysfunctional families and they cannot open their problems with them,” aniya. Bernadette D. Nicolas

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.