08 Agosto 2013, 10:40 a.m. – SA PAGDIRIWANG ng Taon ng Pananampalataya, maglulunsad ang Arkidiyosesis ng Maynila ng isang kumperensiya tungkol sa new evangelization sa Unibersidad sa Oktubre 16, 17, at 18.
Pinamagatang Philippine Conference on New Evangelization, ang kumperensiya ay magtatanghal ng limampung magkakasabay na diskurso na tatalakay sa iba’t ibang isyu at usaping pansimbahan. Mayroon ding creative liturgies at konsiyerto para sa kabataan.
Ang kumperensiya ay pangungunahan ng arsobispo ng Maynila, Kardinal Luis Antonio Tagle.
Inaasahang dadalo ang mahigit limang libong parokyano mula sa iba’t ibang diyosesis sa bansa.
Gagawin ito sa Quadricentennial Pavilion. Magsisilbi ring dausan ng mga concurrent sessions at workshops ang iba pang lugar sa campus.
At kaugnay nito, magkakaroon ng press conference sa UST Quadricentennial Pavilion na pangungunahan din ni Kardinal Tagle sa darating na Martes, ika-13 ng Agosto, 10 a.m.
Para sa ibang detalye, maaaring kausapin si Peachy Yamsuan ng Archdiocesan Office of Communications sa 527-3963 or 09178355363.