Agosto 12, 2014, 3:18 p.m. – NAGTALA ng mas mataas na marka ang UST sa Guidance Counselor licensure examination ngayong Agosto.
Nakakuha ng 87.50-percent passing rate ang Unibersidad, ayon sa datos ng Professional Regulation Commission (PRC).
Pitong first-time takers sa walong Tomasinong kumuha ng pagsusulit ang pumasa.
Mas mataas ang bahagdan para sa taon na ito kumpara sa 62.50 percent noong nakaraang taon, kung saan limang Tomasino ang pumasa mula sa walong kumuha ng pagsusulit.
Walang Tomasinong nakapasok sa listahan ng sampung nanguna sa pagsusulit ngayong taon.
Tumaas ang national passing rate sa 65.16 percent o katumbas ng 288 na pumasa mula sa 442 na kumuha ng pagsusulit, kumpara sa 41.12 percent noong nakaraang taon. Roberto A. Vergara, Jr.