HALOS isandaang libong piso ang ibinigay ng Unibersidad sa Dominican Province of the Philippines (DPP) bilang tulong sa mga Dominiko na nasa Iraq na naiipit sa karahasang dulot ng teroristang Islamic State of Iraq and Syria (ISIS).

Sa pamamagitan ng Tulong Tomasino Para sa Iraq, isang proyektong sinimulan ng Simbahayan Community Development Office, nagbigay ang UST ng P99,343 noong Okt. 8.

Ayon kay Marielyn Quintana, direktor ng Simbahayan, layunin ng proyektong tumugon sa pangangailangan ng Dominican Sisters of Saint Catherine of Siena-Iraq at ng iba pang mga Dominikong pari at madre roon. “Ang purpose natin is for us to be able to respond to the call of the Dominican nuns and priests who are taking care of the refugees in Iraq,” ani Quintana.

Opisyal na inilunsad ang proyekto sa Banal na Misa para sa kapistahan ng Mahal na Birhen sa Parokya ng Santisimo Rosario noong ika-8 ng Setyembre. Ang pinansyal na donasyon ay ibinigay ng UST sa DPP at ipaaabot naman sa Province Dominicaine de France, o mga Dominikong Pranses.

Nagmula ang panawagan na tumulong sa mga naiipit sa kaguluhan sa Iraq sa isang forum ng Simbahayan noong ika-4 ng Setyembre.

Ani Quintana sa kanyang pambungad na talumpati sa forum na nagpapatuloy ang genocide ng ISIS sa mga Kristiyano gayundin ang pagwasak sa mga simbahan.

“Today in Iraq, the Islamic state continues its genocidal campaigns against Christians where churches are destroyed and desecrated, where women have been kidnapped, raped, and are now being sold in a public market,” ani Quintana.

“The priests and religious including the Dominican Sisters of the Presentation of Tours and the Sisters of St Catherine of Siena, who are staying in the place, find themselves today at a loss on how to provide basic necessities for about 130,000 Christian refugees scattered in four cities in northern Iraq.” Jerome P. Villanueva

READ
A sojourn into the magnificent world of butterflies

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.