WHAT DO Thomasians really expect from candidates vying for positions in the Central Student Council? Do the elections matter to them and do they care at all? Here are some of their thoughts.

“Naniniwala pa naman ako sa kanila, pero it depends kung sino ang magiging president, sinong maghahawak ng CSC. Kung kaya niyang i-lead ang mga students, mas maniniwala ako sa CSC. Madaming problema ngayon sa UST katulad ng mga sirang facilities. [Sana makakatulong sila na] maayos yun.” –Dexh Tan (second year, Faculty of Arts and Letters)

“Naniniwala pa rin ako [sa CSC], pero sana mas maramdaman sila kasi iyong nakaraang CSC, parang hindi sila masyadong naramdaman, so ang ine-expect ko ngayon mas makipag-connect sila sa amin.” –Pamela Makalintal (second year, College of Commerce and Business Administration)

“Hindi ako naniniwala sa kakayahan ng CSC. Kung hindi nila mari-reach lahat ng Thomasians, paano ko naman maa-assure na kaya nilang i-represent ang buong Thomasian community. Mahirap magbigay ng expectations kasi hindi ko naman sila kilala. Siguro hindi expectations, baka hope na ma-improve nila ang communication sa lahat ng Thomasians.” –Maria Monica Esquivel (second year, College of Fine Arts and Design)

“Naniniwala pa po ako sa ginagawa ng CSC kasi sila ang nagiging bridge ng students sa administration, sila ang nagiging boses at nagsasabi ng hindi namin direktang masabi sa admin. Kung ano yung sinabi nilang platforms, sana magawa nila talaga.” –Jeremy Masil (Faculty of Engineering)

“I hope na magiging organized ang activities and mas maging pabor sa students ang mga gagawin [nilang] decisions. Sana i-raise ng student council lahat ng concerns ng mga student sa administration”. –Jose Mari Tagumpay (third year, Faculty of Engineering)

“Hindi ako naniniwala sa kakayahan ng Central Student Council since iyong nakaraang CSC parang wala namang nagawa. Kahit sarili naming student council, nilaglag kami, 50,000 pesos nawala. Sana magawa nila lahat ng platforms nila.” –Aurora Catindig (second year, Faculty of Arts and Letters)

“Naniniwala ako sa kakayahan ng Central Student Council kasi naniniwala ako na kaya sila tumakbo kasi may will sila, may gusto silang reforms sa school na for the betterment of the student society. Sana more community development programs.” –Nikka Cuenca (Faculty of Pharmacy)

“Naniniwala pa rin ako sa CSC. Sana lang mas mabilisan ang pagpapakalat ng information para sa mga students.” –Patricia Marollano (second year, AMVCollege of Accountancy)

“Kung magre-represent sila ng student body, kailangang ma-prove nila na their projects are sustainable at dapat worth it ‘yung mga i-implement nilang projects. Sana more projects pa at mas i-approach nila ang students, mas maging in touch.” –Jule de Guia (third year, College of Tourism and Hospitality Management)

“Naniniwala pa rin ako na kaya nilang i-represent ang student body kasi kung wala sila, ano ang voice ng mga students? Ine-expect ko [na] organized and mas maraming activities na masaya.” –Pau Viray (first year, College of Science)

“Naniniwala ako kasi sila ang nagha-handle ng student body at sila rin ang nago-organize ng activities at events. Ine-expect ko from them is more activities at maramdaman namin ang presence nila.” –Maro Gestiada (first year, College of Science)

“Ang gusto ko lang, mag-create pa sila ng projects na magiging beneficial sa mga students at sa lahat ng classes.” –Clarissa Basiloy (third year, College of Tourism and Hospitality Management)

READ
CSC secretary ready for bigger responsibility

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.