18 Agosto, 2015, 12: 30 nh – IPINAHAYAG
ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) ang
pagsang-ayon ng Simbahang Katoliko sa paggamit ng marijuana para lamang sa malubhang karamdaman.

Isinaad
ito sa isang liham paggabay ni Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates
Villegas, pangulo ng CBCP, noong ika-17 ng
Agosto.

Ngunit
hindi tahasang sinuportahan ng mga obispo ang
House
Bill No. 04477
o
Compassionate
Use of Medical Cannabis Act
na
nagpapanukalang gawing legal ang paggamit ng marijuana sa mga medikal
na pangangailangan.

Iginiit
lamang ng CBCP ang matagal nang turo ng Simbahan ukol sa mga
ipinagbabawal na gamot.

“The
highest teaching authority of the Church allows for the palliative
and compassionate use of narcotics particularly in the case of the
terminally ill. The use of drugs inflicts very grave damage on human
health and life. Their use, except on strictly therapeutic grounds is
a grave offense
,” ani Arsobispo Villegas.

Ipinaalala
naman ng CBCP na ang paggamit ng marijuana o cannabis kabilang ang
narcotic at psychotropic drugs sa hindi pang-medikal na
paraan ay labag sa aral ng Simbahan.

Ayon
kay Villegas, ang paggamit ng marijuana ay dapat limitahan sa mga
sakit na terminal at mga kahalintulad na karamdaman, at hindi maaring
gamitin sa bisyo.

Hinimok
pa ni Villegas ang mga kinauukulan at pamayanan na bigyang pansin ang
mga problema na maaaring sumulpot kung maisasabatas ang panukala.

Government,
no doubt must be vigilant, and measures that facilitate access to
abused substances cannot be countenanced. But the family must do its
part and so must the community,”
aniya.

Ayon
kay Villegas, ang pinagmulan ng bisyo ay hindi masusugpo sa
pagpapatupad ng batas lamang. Nararapat ding bigyang pansin ang
kapakanan ng kabataan.

The
behavior of these young people often reveals the manifestation of a
painful helplessness due to a lack of trust and expectation with
regard to social structures to which they no longer feel they
belong.The nurturing that allows youngsters to grow from their
immaturity into the responsibilities of adulthood will not happen
without the loving environment that allows our youth to hope,”
aniya.

Ang
nasabing panukalang batas ay inihain ni kinatawan Rodolfo Albano III
ng Isabela noong Mayo ng nakaraang taon. Kasalakuyan itong
pinagdidiskusyunan ng komite sa kalusugan ng House of
Representatives.

READ
Heed bishops; vote wisely; junk ‘Bongbong’

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.