(Litrato mula sa University of Santo Tomas Facebook page)
18 Agosto 2015, 11:07p.m. – ISANG Tomasino ang kumatawan
sa Unibersidad sa isang pagtitipon sa Estados Unidos patungkol sa pagsama ng
mga special child sa mga sports events at sa
2015 Special Olympics World Games.
Si Cherish Aperocho, isang estudyante ng Bachelor of
Elementary Education major in Special Education sa College of
Education, kasama ng dalawa pa mula sa Pilipinas, ay kabilang sa 120 delegado
mula sa 29 na iba’t ibang bansa na naglahad kung paano isasagawa ang Special
Olympics at sports events na naaayon sa layuning
isama ang special children sa lipunan.
Ang GenUin Special Olympics Social Impact Summit ay
idinaos noong ika-23 hanggang ika-28 ng Hulyo sa Los Angeles, California.
Si Aperocho, ang pangulo ng Guild of Thomasian SpEducators
(GuTS), ay nagsalita sa harap ng tatlumpung bansa kung paano isinagawa ng
UST ang sarili nitong bersyon ng Special Olympics mula pa
noong 2011.
Nakatakdang pangunahan ng UST ang ikaapat na paglulunsad ng
naturang summit.
Nagkamit si Aperocho ng $1,000 na monetary assistance para
sa Special Olympics ng UST ngayong taon.
“The event is for
the benefit of children with special needs and is spearheaded by GuTS, which
then taps other student organizations that can provide related services, like
physical therapy, occupational therapy, and speech and language
pathology,” aniya sa isang artikulo sa website ng UST.
Samantala, nilahukan din ni Aperocho ang Special Olympics World Games, kung saan
ang mga special child ay nakikilahok
sa mga aktibidad pampalakasan. Ngayong taon, nag-uwi ang Pilipinas ng 49 na
gintong medalya.
Ang pandaigidigang Special Olympics, na
nagsimula noong 1968, ay naging daan upang makasali ang mga taong may
kapansanan sa buong-taong ensayo at paligsahan. Jerome P. Villanueva