28 Agosto 2015 – PANGUNAHING
dahilan sa patuloy na hidwaan sa West Philippine Sea ang tinaguriang “9-dashed
line” ng Tsina na inaangkin ang buong karagatan sa kanluran ng Pilipinas.

Ipinaliwanag
ni Antonio Carpio, senior associate justice ng Korte Suprema ng
Pilipinas, na ang mariing posisyon ng Tsina ukol sa pagkakaroon umano nito ng
indisputable sovereignty” sa mga sakop na teritoryo sa
West Philippine Sea ang nagpapalala sa tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at
Tsina.

The
root cause of the South China Sea dispute is China’s 9-dashed line claim
,”
ani Carpio sa isang talakayan noong ika-27 ng Agosto sa Civil Law auditorium.

Nakapaloob
sa 9-dashed line claim ng Tsina ang pag-angkin sa 87.5 porsiyentong kabuuan ng
West Philippine Sea na may laking katumbas ng tatlong milyong kilometro
kuwadrado.

Ayon
kay Carpio, walang legal na basehan ang Tsina dito.

Bukod
sa Pilipinas, apektado rin ng pag-angkin ng Tsina sa ilang parte ng West
Philippine Sea ang mga karatig-bansang Vietnam, Malaysia, Brunei at Indonesia
na siyang dahilan upang lumiit din ang mga hinahawakan nilang teritoryo.

Dagdag
pa ni Carpio, 80 porsiyento sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng
Pilipinas ang nanganganib na mawala kung patuloy na maninindigan ang
Tsina sa pag-angkin nito sa teritoryo ng iba pang mga bansa.

Base
sa probisyong nakapaloob sa United Nations Convention on the Law of the Sea,
ang EEZ ay ang mga karapatang itinalaga sa isang estado upang malayang
mapakinabangan ang mga likas na yamang dagat.

Pinaniniwalaang
hindi lamang mayaman sa mga lamang-dagat ang West Philippine Sea, kundi maging
sa reserbang langis.

LEAVE A REPLY

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.