Tuesday, December 10, 2024

Tag: Antonio Carpio

Tsina, walang legal na basehan sa pag-angkin sa mga isla sa West Philippine Sea

28 Agosto 2015 - PANGUNAHING dahilan sa patuloy na hidwaan sa West Philippine Sea ang tinaguriang “9-dashed line” ng Tsina na inaangkin ang buong karagatan sa kanluran ng Pilipinas.

Ipinaliwanag ni Antonio Carpio, senior associate justice ng Korte Suprema ng Pilipinas, na ang mariing posisyon ng Tsina ukol sa pagkakaroon umano nito ng "indisputable sovereignty" sa mga sakop na teritoryo sa West Philippine Sea ang nagpapalala sa tensiyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina.

"The root cause of the South China Sea dispute is China's 9-dashed line claim," ani Carpio sa isang talakayan noong ika-27 ng Agosto sa Civil Law auditorium.

LATEST