29 Agosto 2015, 5:40p.m. – IPINAMALAS ng 20 Tomasino ang kanilang bukod-tanging galing sa
mga tesis na itinampok sa AdverCity: UST CFAD Thesis Exhibition 2015
sa Beato Angelico Building Gallery, ika-25 hanggang ika-29 ng Agosto.
Sampu ang naparangalang Best Thesis sa
20 na nagmula sa katatapos lamang na mga mag-aaral ng Advertising Arts.
Nagdisenyo ang mga ito ng advertisement campaign para
sa mga furniture at food stalls;
biswal na kampanya sa pagpapalaganap ng impormasyon at isyung panlipunan; fashion,
ilustrasyon para sa mga libro; at potograpiya.
Tampok na theses
Kabilang sa kategoriya na Book Illustration ang
“Urduja: Princess of the Eastern Pearl” ni Diana Almeda, “Time Cat” ni Mardale
Chu, “Tron” ni Jeremiah Donato, “Macarthur: We Shall Return” ni Don Michael
Hernandez, “Disrupt” ni Jordan Jacinto, “May Katerno Ka” ni Carl Julius Junio
at “Unravel the Mystery” ni Paul Patricio.
Sa kategoriyang Corporate Identity naman, kabilang
ang “Achieve with Atriev” ni Byron Co, “The Authentic Mami Experience” ni
Angelie Lim, “Redesigning Blims’” ni Earvin Padua at “Ja-Makin it Real” ni Gio
Antonio Savellano.
Ang “Amygdala” ni Gabriel D. Balba at “Gogh for Style, Comfort
and Passion” ni Austeen Manalang ay nanguna sa kategoriya ng Fashion.
Kabilang sa mga natatanging likha sa kategoryang Non-Traditional
Ad Campaign at Total Ad Campaign ang “Hassle Free” ni
Kurth Buban at “Zoomazing” ni Patrick Jerald E. Buhay.
Nakamit ng “Go Beyond the Board” ni Ma. Francesca Aguilos ang
parangal sa kategoryang Visual Merchandising Arts at ang “The
Darknet” ni Alvin Torno naman sa kategoryang Production Design. Ang
parangal sa kategorya ng Special Events ay natamo naman ng
“Love Sees Beyond Differences” ni Rio O’neil T. Servidad.
Kabilang sa mga naparangalan ng Outstanding Thesis ay
si John Paul Autor, dating patnugot ng potograpiya ng Varsitarian.
Ibinahagi ng kaniyang natatanging mga litrato ang pakikipagsapalaran ng mga
deboto ng Nazareno sa Quiapo.
“Yung goal ko is to address the problem
of apathy towards the aesthetics by unveiling the real essence and beauty of
Quiapo through photographs and narratives. Sa dami na ng natulong sa akin
ng Nazareno, it’s time to give back sa mga biyayang nabigay sa
amin,” sabi ni Autor isa isang panayam ng Varsitarian.
Natanggap naman ng dating direktor ng dibuho ng Varsitarian na
si Keno Carlo Enriquez ang Best Thesis Award para sa kaniyang
obra na pinamagatang “Art & Soul: The Artists’ Lifestyle
Collective.” Ang mga larawang kabilang dito ay tumatalakay sa buhay ng mga artist.
Nagbigay rin ng tips ang dalawang artist ukol
sa paggawa ng kanilang tesis.
Ani Enriquez, “Pick a topic that is really close to your
heart and what will really help you in the future because if not, you’ll lose
the drive to do it.”
“Tips ko sa mga advertising students ay
gumawa sila ng thesis na gusto at mahal nila. Dapat may hugot, may part niyo
yung thesis na
ginagawa niyo”, pahayag naman ni Autor. Amierielle Anne A. Bulan at
Ma. Czarina A. Fernandez